Court finally grants annulment of Sunshine Cruz and Cesar Montano

by Arniel C. Serato
Sep 18, 2018
Sunshine Cruz on court decision granting her petition for annulment: "Sobrang kaiyak. I was crying kanina. Grabe."

Iginawad na ng korte ang annulment papers nina Sunshine Cruz at Cesar Montano pagkatapos ng halos apat na taong pagdinig sa korte.

Naghain ng petition for annulment of marriage si Sunshine noong May 2014, isang taon pagkatapos nilang maghiwalay ni Cesar.

Ibig sabihin, malaya na sila parehong magmahal at mag-asawang muli.

Sa eksklusibong pakikipag-usap ni Sunshine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes ng hapon, September 18, sinabi niyang iniyakan niya ang magandang balitang ito.

Sabi niya, "Sobrang kaiyak. I was crying kanina. Grabe."

Mensahe naman ng lawyer na ipinadala sa aktres ngayong hapon, "Good afternoon Miss Sunshine. Congratulations on your petition for annulment which was granted by the court.”

Labintatlong taong nagsama sina Sunshine, 41, at Cesar, 56, ngunit nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama dahil sa ugnayan noon ng aktor sa starlet na si Krista Miller.

Mayroong tatlong anak na babae sina Sunshine at Cesar: sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Franchesca.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Sunshine Cruz
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on court decision granting her petition for annulment: "Sobrang kaiyak. I was crying kanina. Grabe."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results