Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Filipino-Americans who made fake McDonald's poster make it to Ellen; receive $25,000 each

by Ruel J. Mendoza
Sep 20, 2018
Jevh Maravilla and Christian Toledo receive $25,000 from fast food giant McDonald's, after a fake poster they made and hung in a McDonald's Texas branch went viral on social media. Jevh and Christian also appeared on Ellen and got interviewed by TV host and comedienne Ellen de Generes.

Natuwa ang American TV host and comedienne na si Ellen DeGeneres sa dalawang Fil-American students na sina Jevh Maravilla at Christian Toledo, na nag-viral sa social media dahil sa ginawa nilang fake McDonald's poster.

Nakakuha ang video nila ng higit 1 million likes at 259,000 retweets sa Twitter.

Ang naturang poster ay ginawa ng dalawa at isinabit nila sa isang McDonald's store sa Pearland, Texas.

Umabot daw ng 51 days na nakasabit ang naturang poster sa store na iyon.

Nalaman lang daw ng management na peke iyon nang mag-viral ang tweet ni Maravilla.

"i noticed there was a blank wall at mcdonald’s so i decided to make this fake poster of me and my friend. It’s now been 51 days since i hung it up," tweet ni Jevh.

Pinahanap ni Ellen ang dalawang Fil-Americans at naging guests sila sa Ellen show kamakailan.

Dito ay ipinakuwento ni Ellen kung paano nila nagawang isabit ang poster nang walang pumipigil sa kanila.

Continue reading below ↓

Ayon sa dalawa, bumili sila ng McDonald's uniform sa Goodwill at gumawa pa sila ng fake ID badges. Kunwari ay sila ang namamahala sa promotional posters ng naturang fastfood store.

Kaya wala raw nanita sa ginawa nilang pagsabit ng fake poster.

"I know a great prank when I see one," sabi ni Ellen na sobrang bumilib sa tiyaga ng dalawa.

Nais lang daw ng dalawang Fil-Americans na i-promote ang diversity sa McDonald's store.

Napansin daw kasi nila na ang mga poster ng McDo ay puro Americans lang. Ito ay sa kabila ng iba't ibang lahi ang pumapasok at kumakain ng McDonald's store na iyon.

“We were eating McDonald’s one day and we looked around and saw there were posters around that didn’t have any Asians. They had other races but no Asians so we felt like it was our duty to put ourselves up there," diin ni Maravilla.

Na-inspire din daw kasi sila sa pelikulang Crazy Rich Asians.

Continue reading below ↓

"So we wanted to be like crazy middle class...or maybe lower middle class," biro pa ni Toledo.

Noong malaman ito ng management ng McDonald's store, sa halip na magalit sila at ipakulong ang dalawa for vandalism, kinuha pa sina Jevh at Christian para sa bagong marketing campaign ng store at binayaran sila ng tig-$25,000.

Watch: Ellen Has a Big Surprise for Viral McDonalds Pranksters

Heto ang post ni Jevh sa Twitter: "I'm still trying to wake up from this dream! Catch @christiantoleds and me TODAY on the Ellen DeGeneres Show! (excuse my ugly reactions) #McDonalds #EllenDeGeneres"

Ayon sa McDonald’s corporate office, natanggal na raw ang naturang poster noong mag-renovate ang store. Pero ipapa-auction daw ang poster at ang proceeds ay mapupunta sa Ronald McDonald House Houston charity.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jevh Maravilla and Christian Toledo receive $25,000 from fast food giant McDonald's, after a fake poster they made and hung in a McDonald's Texas branch went viral on social media. Jevh and Christian also appeared on Ellen and got interviewed by TV host and comedienne Ellen de Generes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results