Piolo Pascual advice to Inigo Pascual, Maris Racal: Huwag lang silang maglokohan

by Rachelle Siazon
Sep 25, 2018
Piolo Pascual on blossoming romance between son Iñigo Pascual and Maris Racal: "Kung mahal nila ang isa't isa, stay in love. Kung may samaan ng loob, talk. Always have an open relationship."

Wala raw ideya si Piolo Pascual, 41, kung opisyal nang magkarelasyon sina Iñigo Pascual at Maris Racal.

Ito ay sa kadahilanang hindi pa rin daw umaamin sa kanya ang anak na si Iñigo, 21, kung girlfriend na nga ba nito si Maris, 21.

Sabi ni Piolo, "Tinatanong ko yung bata, di sumasagot, e. Marunong!

"Bahala sila. Kung sila, sila. Malalaki na sila."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters si Piolo pagkatapos ng press launch ng SunPIOLOgy Tr10, na ginanap sa Novotel Manila, Araneta Center sa Cubao, Quezon City, kagabi, September 24.

Hindi man daw nakikialam si Piolo sa buhay-pag-ibig ni Iñigo, sinisiguro niyang hindi siya nagkukulang sa paggabay at paalala sa anak.

Payo raw ni Piolo kay Iñigo, "Huwag lang silang maglokohan. Kung mahal nila ang isa’t isa, stay in love.

"Kung may samaan ng loob, talk. Always have an open relationship."

Pinapayuhan din daw ni Piolo si Iñigo na panatilihin ang "commitment sa trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo na't bukod sa nagkakatrabaho sina Iñigo at Maris bilang singers ay magkatambal na rin ito sa nalalapit nilang pelikulang I'm Ellenya L, na co-produced ng Spring Films at N2 Productions.

Aprubado ba ni Piolo sakaling umamin na sina Iñigo at Maris na sila na?

Sagot niya, "Mas magiging happy ako. Mas authentic, mas alam ng tao na hindi lang work."

September 2017 nang nagsimulang maging malapit sa isa't isa sina Iñigo at Maris.

December 2017 nang aminin ni Maris na wala siyang ibang ini-entertain na suitors maliban kay Iñigo na madalas niyang nakakausap.

Nitong May 2018, inihayag nina Iñigo at Maris na "mej" sila na dahil nagsasabihan na sila ng "I love you" sa isa't isa.

Pero paglilinaw ni Iñigo, hindi pa raw sila opisyal na magkasintahan ni Maris at masaya sila sa kung anuman ang estado ng relasyon nila ngayon.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual on blossoming romance between son Iñigo Pascual and Maris Racal: "Kung mahal nila ang isa't isa, stay in love. Kung may samaan ng loob, talk. Always have an open relationship."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results