ABS-CBN, GMA-7 stars congratulate Marian Rivera on second pregnancy

by Nikko Tuazon
Sep 25, 2018
Marian Rivera confirms she is pregnant with her second child via Instagram.

Sunud-sunod ang mensahe ng pagbati sa mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes kasunod ng kumpirmasyong buntis ang Kapuso actress sa ikalawang pagkakataon.

Ngayon araw, September 25, excited na ibinahagi Marian sa Instagram ang magandang balita kalakip ang litrato ng kanyang ultrasound.

Caption ni Marian: "My heart overflows with gratitude and humility. Dong and I, with our Zia, have been gifted with the miracle of life! Looking forward to meeting our 'little one' soon."

View this post on Instagram

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Kabilang sa mga bumati sa comment section ng post ni Marian ang ilang ABS-CBN stars; kagaya ng It's Showtime hosts na sina Mariel Padilla at Anne Curtis, Bianca Gonzalez, Pokwang, Jaya, at Megastar Sharon Cuneta.

Continue reading below ↓

Ikinatuwa rin ng ilang Kapuso stars ang magandang balitang ito.

Kabilang sa nagpaabot ng mensahe sina Chynna Ortaleza, Gabby Eigenmann, LJ Reyes, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Alyana Asistio, Ash Ortega, at Julie Ann San Jose.

Usap-usapang dalawang buwan nang buntis si Marian ngunit hindi pa ito kinukumpirma ng 34-year-old Kapuso actress.

Continue reading below ↓

Kung sakali, sa April 2019 isisilang ni Marian ang pangalawang anak nila ni Dingdong.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera confirms she is pregnant with her second child via Instagram.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results