Carl Pempengco pleads mom Raquel to stop word war with Jake Zyrus

by Rachelle Siazon
Sep 30, 2018
Carl Pempengco's (not in photo) statement amid brother Jake Zyrus's (left) word war with their mom Raquel Pempengco (right): "Hayaan nalang natin siya."

Nagsalita na si Carl Pempengco tungkol sa pagbulgar ng nakatatanda niyang kapatid na si Jake Zyrus tungkol sa masalimuot na buhay ng kanilang pamilya.

Kaugnay ito ng tell-all book na I am Jake, kung saan isiniwalat ni Jake ang pisikal na pang-aabusong dinanas niya sa kamay ng sariling inang si Raquel Pempengco.

Hindi nagpakita ng galit o hinanakit si Carl sa mga nasabi ni Jake tungkol sa kanilang pamilya.

Bagkus ay sinuheto na lang ni Carl ang inang si Raquel, na ilang araw nang naglalabas ng sama ng loob kay Jake sa pamamagitan ng Facebook posts ng ginang.

Sabi ni Carl, "Hayaan nalang natin sya.

"Family is inevitable di nya pwedeng gawin to forever."

Continue reading below ↓

Base ito sa comment ni Carl sa Facebook post ni Raquel noong September 25.

Dito ay nagpahiwatig si Raquel na suko na raw siya sa kung anumang paninirang gawin ni Jake sa kanya.

Narito ang kabuuang mensahe ni Raquel sa anak na si Jake:

"Wala akong magagawa ngayon kundi ipagdasal ka...

"Kung aangat ka sa ginawa mong yan, hahayaan lang kitang babuyin mo pagkatao ko, kung yan ang mag aangat sa sarili mo.

"Di ko kaylangang sumikat, basta kung naging masaya ka sa ginawa mong yan...

"Wala akong magagawa kundi magparaya kasi yan ang laging kong tungkulin sa inyo.

"Wag lang darating ang panahon na iiyak ka at pagsisihan mo dahil sa ginawa mong yan.....

"Prayers for you na lang...."

Continue reading below ↓

COMPLICATED FAMILY ISSUES

Sa librong I am Jake, inilarawan ng singer ang ina bilang "evil queen" at "abusive mother."

Madalas daw siyang pukpukin sa ulo ng high heels ng ina, o di kaya naman ay papaluin siya gamit ang "metal buckle" ng belt.

Ayon pa kay Jake, ang pagiging bayolente ni Raquel ay namana nito mula sa sarili nitong ina.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong September 22 at, sinabi ni Raquel na wala na sa katinuan si Jake para ganoon na lang siyang siraan sa libro nito.

Nasabi rin ni Raquel ang tungkol sa pagkakasakit ng lola ni Jake, at umaasa raw siya na bibisitahin ito ng anak sa kabila ng sigalot sa kanilang pamilya.

Nilinaw ni Raquel na hindi man mabigyan ni Jake ng pinansiyal na tulong, malaking bagay na magpakita pa rin ito sa maysakit na lola.

Sa parte ni Jake, iginiit nito na handa siyang tumulong sa maysakit na lola, ngunit hindi na raw niya kailangang ipaalam pa ang detalye sa media.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carl Pempengco's (not in photo) statement amid brother Jake Zyrus's (left) word war with their mom Raquel Pempengco (right): "Hayaan nalang natin siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results