Megan Young proud of sister Lauren for bagging guest role in Korean drama

by Ruel J. Mendoza
Sep 30, 2018
Megan Young (shown with boyfriend Mikael Daez) feels proud of sister Lauren's latest feat—bagging a guest role in the Korean drama, Where Stars Land: "Natuwa ako for Lauren when she told me that she landed a guest part sa isang new Korean drama."

Sobrang proud si Miss World 2013 Megan Young sa pagkakapili sa sister niyang si Lauren Young para magkaroon ng guest role sa upcoming Korean drama titled Where Stars Land.

Read: Lauren Young, Ejay Falcon fly to South Korea to film episode for K-Drama series

Ang mga bida sa naturang K-drama ay sina Lee Je-hoon at Chae Soo-bin.

Sa October 1 na ito magpi-premiere sa South Korea.

Bukod kay Lauren, kasama rin sa naturang Koreanovela ang Kapamilya hunk na si Ejay Falcon.

“Natuwa ako for Lauren when she told me that she landed a guest part sa isang new Korean drama.

“We searched it pa nga sa Google kung sino ang mga makakasama niya.

“Sabi ko, 'Magpa-picture ka sa kanila.'

“It's something very new to us—yung K-drama—and I'm happy that Lauren was able to get a guest part," pahayag ni Megan nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng The Stepdaughters sa Grand Heights Subdivision, Antipolo City noong nakaraang September 19.

Continue reading below ↓

AUDITION

Nagpadala raw si Lauren ng audition tape para sa naturang K-drama kaya ito nakuha.

Kuwento ni Megan, “Somebody inquired regarding sa mga puwedeng mag-audition for the K-drama.

“Lauren send an audition tape. Medyo kinabahan pa siya and she felt na she wouldn’t get it.

“Kaya I really prayed for her to get it and when she got it, she was really happy.

“We kept it a secret pa, and I promised Lauren na hindi ko muna ipagsasabi kahit kay Mikael [Daez].

“Actually, nakalimutan ko na nga ang tungkol doon, until naibalita na siya.

“Kaya doon lang din nalaman ni Mikael.”

GOOD PAIRING

Natuwa rin si Megan dahil ang nakasama ni Lauren sa naturang K-drama ay ang Kapamilya actor na si Ejay Falcon.

“Nakakatuwa na she’s working with Ejay. Kaya dalawa silang Pinoy na nandoon.

“I’ve met Ejay before and he’s a nice guy.

Continue reading below ↓

“Ang ganda na isang Kapuso at isang Kapamilya ay nasa isang K-drama,” saad pa niya.

REQUIREMENTS

Kinuwento pa ni Megan na si Lauren mismo ang nag-asikaso ng mga requirements nito para makalipad ito to South Korea on time for the taping.

Sa gitna raw ng pag-taping ni Lauren ng Contessa ay inaasikaso nito ang mga documents niya at nagkaroon pa ito ng hindi magandang experience sa DFA (Department of Foreign Affairs).

“Two weeks before she left, sobrang na-stress out si Lauren kasi akala niya na she won't be able to get her visa on time.

“She really got so stressed sa pag-ayos ng documents niya.

“She really did everything herself and thank God, she was able to pull it through,” pagpapasalamat niya.

STEPDAUGHTERS ENDING

Bittersweet naman ang nararamdaman ni Megan dahil sa nalalapit na pagtatapos ng The Stepdaughters.

Ito raw ang longest teleserye na nagawa niya at mami-miss daw niya ang buong cast and crew.

Continue reading below ↓

“We've been together for 10 months and lahat kami ay parating masaya tuwing taping day.

“Walang naging hassle at walang nag-a-attitude, kaya naman we are so blessed with the high ratings.

“That's why I feel medyo sad kapag alam kong malapit na kaming mag-last taping day.

“I will miss everybody and I hope to work with them in future projects with GMA-7,” dasal niya.

VACATION

Nakaplano na raw ang bakasyon nila ni Mikael sa Iceland kapag nag-wrap up na ang The Stepdaughters.

Pahayag niya, “Yes, we'll be flying to Iceland for a brief vacation.

“We've both been working so hard for the past ten months, kaya magpapahinga naman kami for a few days in Iceland bago kami mag-start ulit sa bagong work.

“Mag-recharge muna kami ni Mikael.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megan Young (shown with boyfriend Mikael Daez) feels proud of sister Lauren's latest feat—bagging a guest role in the Korean drama, Where Stars Land: "Natuwa ako for Lauren when she told me that she landed a guest part sa isang new Korean drama."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results