Matteo Guidicelli declares Sarah Geronimo "the most beautiful woman" at ABS-CBN Ball

by Bernie V. Franco
Oct 1, 2018
Matteo Guidicelli to girlfriend Sarah Geronimo: "You were the most beautiful woman last night at the ball!!"

Naging very vocal si Matteo Guidicelli ng pagpapahayag ng kanyang damdamdin para kay Sarah Geronimo pagkatapos nilang um-attend sa ABS-CBN Ball noong Sabado, September 29.

Maituturing itong pambihirang pagkakataon, lalo pa’t mas madalas ay nais nina Matteo at Sarah na maging pribado ang kanilang relasyon sa mata ng publiko.

Mensahe ng 28-anyos na aktor para sa Popstar Princess sa kanyang Instagram post nitong Linggo, September 30, “My love, You make my whole world stop.

"Thank you for supporting me. I’m always here for you.

"You were the most beautiful woman last night at the ball!!"

View this post on Instagram

A post shared by Matteo Guidicelli (@mateoguidicelli) on

Bukod dito, isang video rin ang ipinost ni Matteo sa YouTube tungkol sa ginawang preparasyon nila sa ABS-CBN Ball.

Maraming fans nila ang natuwa sa video at inihalintulad pa ito sa wedding video.

Continue reading below ↓

Nito lamang September ay lumipad ang dalawa sa Italy, kung saan nila ipinagdiwang ang kanilang fifth anniversary bilang magkasintahan.

Sa kabila ng pagiging pribado ng dalawa sa bakasyon nila, may nag-leak na larawan online kung saan binisita ni Matteo ang ilang kamag-anak niya sa Venice.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli to girlfriend Sarah Geronimo: "You were the most beautiful woman last night at the ball!!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results