Kyline Alcantara unfazed by bashers after rumored rift with Bianca Umali

by Rachelle Siazon
Oct 4, 2018
Kyline Alcantara on bashers after rumored rift with Bianca Umali: "Let them talk. I know what I did. Alam ko yung mga nagawa ko at hindi nagawa sa mga nasasabi nila."

Nilinaw ni Kyline Alcantara na maayos ang lahat sa pagitan nila ni Bianca Umali.

Ito ay sa kabila ng mga naglabasang ulat na nagkaroon sila ng hidwaan sangkot ang dating Kambal, Karibal co-star nilang si Miguel Tanfelix.

"Yes po," sagot ni Kyline nang tanungin kung okey na ba sila ni Kyline.

Dugtong niya, "Actually, kakatapos lang ng taping namin for Daig [Kayo ng Lola Ko].

"Nagkasama kami for almost two months sa Daig."

Wala rin daw problema kay Kyline sakaling magkatrabaho sila ulit ni Bianca.

Hindi lang niya alam kung tuloy pa ang planong magkasama ulit sila sa isang pelikula.

"Sana po. I love to work with Bianca.

"I'm comfortable with her."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline pagkatapos ng presscon para sa GMA-7 musical variety show na Studio 7.

Ginanap ito noong Lunes, October 1, sa 17th floor ng GMA Network Center sa Quezon City.

Dito ay nasabi ni Kyline na aminado siyang umabot sa puntong pati ang fans nila ni Bianca ay nagkakabanggaan sa social media dahil sa espekulasyong nagkairingan ang dalawang aktres.

Continue reading below ↓

Pero iginiit ni Kyline na hangga't maaari ay ayaw niyang magpaapekto sa kung anumang akusasyon ang ibinabato sa kanya.

"Ang na-realize ko sa showiz industry, i-master mo yung art of dedma.

"Let them talk.

"I know what I did. Alam ko yung mga nagawa ko at hindi nagawa sa mga nasasabi nila."

Nanindigan si Kyline na hindi siya basta magpapatinag sa anumang kontrobersiya.

"Alam ko naman nung pinasok ko itong industry na ito na marami pang darating na ganun, so iniintindi ko na lang siya.

"And it is a natural reaction ng mga fans na mang-bash.

"Naiintindihan ko naman siya, but don't judge me as a person.

"Kasi kung ano yung nakikita niyo sa TV, yun lang talaga ako."

Dugtong pa ni Kyline, "Thank you na lang. Sa sobrang dami ng negavity na kumakalat ngayon sa mundo, you just gotta love your bashers.

"Turn the negativity into positivity.

Continue reading below ↓

"Yun lang naman ang gusto ko, mag-spread ng positivity."

Imbes na magpaapekto sa intriga ay mas gusto raw ni Kyline na ibuhos ang atensiyon sa trabaho.

Nakangiting sabi niya, "I just wanna be happy when I work."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara on bashers after rumored rift with Bianca Umali: "Let them talk. I know what I did. Alam ko yung mga nagawa ko at hindi nagawa sa mga nasasabi nila."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results