John Lloyd Cruz spotted riding a jeepney

by Erwin Santiago
Oct 11, 2018
According to the netizen who uploaded a photo of John Lloyd Cruz in a passenger jeep, the actor is "pogi pa rin."

Viral ngayon sa social media ang kuha ng isang netizen sa aktor na si John Lloyd Cruz habang nakasakay sa jeep.

Base sa Twitter post ng netizen na may handle name na @norminapauline noong October 8, nakasabay niya si John Lloyd sa biyahe ng jeep papuntang UP Ikot sa may Quezon City.

Makikita sa larawang ipinost ng netizen na naka-T-shirt at shorts lamang si John Lloyd, na may suot ding shades.

Kapansin-pansin din ang magandang ngiti ng aktor na nasa bandang unahan ng jeep.

Tila hindi nga makapaniwala ang netizen na nakasabay niya sa jeep si John Lloyd, na aniya ay "ang pogi pa rin."

Continue reading below ↓

Sinagot din ng netizen ang ilang mga katanungan ng kanyang followers at kaibigan tungkol sa di pangkaraniwang karanasan niya:

Hindi ito ang unang pagkakataong namataan ang aktor sa mga pampublikong lugar mula nang magdesisyon siyang talikuran muna ang showbiz noong October 2017.

Ito ay pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa relasyon nila ng sexy star na si Ellen Adarna.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Nakumpirmang isinilang na ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd noong June 27, 2018. Pinangalanan nila ang anak nilang lalaki bilang Elias Modesto.

Nagbigay na rin ng pahiwatig sina John Lloyd at Ellen tungkol sa kanilang anak sa pamamamgitan ng kani-kanilang posts sa Instagram.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to the netizen who uploaded a photo of John Lloyd Cruz in a passenger jeep, the actor is "pogi pa rin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results