Freddie Aguilar files COC for senator

by Rachelle Siazon
Oct 11, 2018
Freddie Aguilar files COC as senator in COMELEC today, October 11.

Pormal nang naghain si Freddie Aguilar ng certificate of candidacy bilang senador sa Commission on Elections (COMELEC) ngayong Huwebes, October 11.

Kakandidato ang veteran singer sa ilalim ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kilala si Freddie bilang isa sa mga showbiz personalities na nangampanya kay President Duterte noong 2016 elections.

Sa panayam ni ABS-CBN News Online reporter na si Patrick Quintos, inihayag ni Freddie ang adbokasiya niya sa kanyang pagtakbo bilang senador.

"Priority po natin is yung proteksyon ng entertainment sector...

"At yung mga katutubo na matulungan po natin, mga farmers, lahat po ng nasa laylayan."

Continue reading below ↓

Namataan din sa labas ng COMELEC office ang ilang mga tagasuporta ni Freddie na may bitbit na banners.

Si Freddie ang ikalawang nag-file ng kanyang COC kasunod ng kaalyado niyang si Senator Koko Pimentel.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Freddie Aguilar files COC as senator in COMELEC today, October 11.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results