Vilma Santos files certificate of candidacy for re-election as Lipa City, Batangas representative

by Arniel C. Serato
Oct 11, 2018
Vilma Santos has been serving Batangas in different capacities since 1998. She is now seeking her second term as Lipa City lone district representative. 

Muling tatakbo ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto bilang kongresista ng lone district ng Lipa City, Batangas.

Ngayong araw, October 11, nag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Vilma sa COMELEC (Commission on Election) Batangas.

Sinamahan siya ng asawang si Senator Ralph Recto.

Si Vilma ay tatakbo sa ilalim ng kanyang local party na One Batangas.

Kung muling papalarin, ito ang kanyang magiging pangalawang termino bilang mambabatas.

Siya rin ang kauna-unahang babaeng mambabatas mula sa probinsiya ng Batangas.

Bago ito, nagsilbi ng tatlong termino bilang mayor ng Lipa City, Batangas si Ate Vi—ang kilalang tawag sa kanya sa mundo ng showbiz—mula 1998 hanggang 2007.

Pagkatapos ng kanyang paglilingkod bilang alkalde ng Lipa, tumakbo naman siyang gobernador ng Batangas noong 2007, na muli niyang napagwagian.

Tumagal din ng tatlong termino ang kanyang panunungkulan bilang gobernador, mula 2007 hanggang 2016.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vilma Santos has been serving Batangas in different capacities since 1998. She is now seeking her second term as Lipa City lone district representative. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results