Roderick Paulate challenges Senator Tito Sotto's son for Quezon City vice mayor in 2019

by Arniel C. Serato
Oct 11, 2018
Incumbent councilors Roderick Paulate (left) and Gian Sotto (right, with dad Senate President Tito Sotto) file their COCs for Quezon City vice mayor today, October 11.

Muling magiging star-studded ang eleksyon sa Quezon City sa 2019 dahil sa pagtakbo ng ilang artista at kilalang personalidad.

Sa labanan para sa bise alkalde, kakandidato ang third-termer second district councilor at Ang Probinsyano actor na si Roderick Paulate.

Makakatunggali niya ang anak ni Senate President Tito Sotto na si Gian Sotto, na kasalukuyang konsehal sa third district.

Si Roderick ang running mate ni former congressman Chuck Mathay, ama ng aktres na si Ara Mina, na kapatid naman ng boyfriend ni Sunshine Cruz na si Macky Mathay.

Si Gian ang running mate ni incumbent Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, na pupuntiryahin naman ang puwestong babakantehin ni Mayor Herbert Bautista.

Nag-file na ng kanilang certificate of candidacies (COC's) ang mga nasabing pangalan ngayong Huwebes, October 11.

">

Continue reading below ↓

Kasama ni Gian sa pagpa-file ng kanyang COC ang amang si Senator Sotto at mga kapatid.

Nagsilbi ring vice mayor si Tito Sotto sa Quezon City, mula 1988 hanggang 1992, bago ito tumakbong senador.

Ang ina ni Gian ay ang veteran actress na si Helen Gamboa.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Incumbent councilors Roderick Paulate (left) and Gian Sotto (right, with dad Senate President Tito Sotto) file their COCs for Quezon City vice mayor today, October 11.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results