Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Janella Estrada, Jerika Ejercito, Jaycee Parker seek local posts in 2019

by Arniel C. Serato
Oct 12, 2018
Manila Mayor Joseph Estrada's granddaughter Janella Estrada (left) and daughter Jerika Ejercito (middle) have filed their certificate of candidacies for San Juan mayor and Manila councilor, respectively. Meanwhile, former Viva Hot Babes member Jaycee Parker (right) has filed her COC for Angeles, Pampanga councilor.

Ilan pang personalidad at mga kaanak ng kilalang pulitiko at artista ang tatakbo sa 2019 elections.

Kabilang dito sina Janella Estrada ng San Juan, Jerika Ejercito ng Maynila, at Jaycee Parker-Aguas ng Angeles, Pampanga.

Si Janella ay kasalukuyang vice mayor ng lungsod ng San Juan at anak ni dating Senador Jinggoy Estrada.

Nais ni Janella na mapanalunan ang puwesto bilang mayor na ilang taon ding hinawakan ng kanyang ama.

Lolo ni Janella ang kasalukuyang mayor ng Maynila na si former President Joseph “Erap” Ejercito-Estrada.

Ang kanya namang tiyahin na si Jerika Ejercito—anak ng kanyang lolo kay Laarni Enriquez—ay tatakbo sa pagka-konsehal sa ika-4 na distrito ng Maynila.

Tatakbo ang mag-tiyahin sa ilalim ng political party ni Erap na Partido ng Masang Pilipino (PMP).

Nag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Jerika ngayong araw, October 12, ngunit si Janella ay sa susunod na linggo pa magsusumite ng kanyang COC.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓
Recommended Videos

Samantala, tatakbong konsehal sa Angeles, Pampanga ang dating Viva Hot Babes member na si Jaycee Parker.

Ang kanyang mister na si Jericho Aguas—kasalukuyang konsehal at dating asawa ng namayapang si Isabel Granada—ay tatakbo naman bilang party-list representative ng ABE-Kapampangan party.

Si Jaycee ay tatakbo rin sa ilalim ng nasabing local political party.

Nag-file siya ng kanyang COC kahapon, October 11.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Joseph Estrada's granddaughter Janella Estrada (left) and daughter Jerika Ejercito (middle) have filed their certificate of candidacies for San Juan mayor and Manila councilor, respectively. Meanwhile, former Viva Hot Babes member Jaycee Parker (right) has filed her COC for Angeles, Pampanga councilor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results