Zanjoe Marudo wants next girlfriend to accept his simple lifestyle

by Rachelle Siazon
Oct 19, 2018
Zanjoe Marudo: "Kasi in the past, akala ko yun na yun, e. Eto na yung mundo ko, e. Ang karelasyon ko taga-showbiz din. Dun na gumagalaw yung mundo ko, yung trabaho. Nakalimutan ko na yung isang side."

Inamin ni Zanjoe Marudo, 36, na gusto na niyang magka-girlfriend bago matapos ang 2018.

Hindi tuwirang sinagot ng Kapamilya actor kung nagbunga ang “getting to know each other” phase sa pagitan nila ng surfer-model na si Josie Prendergast.

Pero inilarawan ni Zanjoe na masuwerte kung sinuman ang susunod niyang maging girlfriend dahil sigurado na raw siya kung ano ang gusto niya sa buhay.

“Sa ngayon, wala. Wala talagang time," saad niya hinggil sa estado ng kanyang love life.

“Pero hopeful ako na yung susunod magiging perfect na dahil naayos ko na yung sarili ko.

“Na-balance ko na yung buhay ko.

"Mas alam ko na kung ano yung mas kailangan ko, kung ano yung mas gusto ko, kung sino yung gusto kong makasama."

WHAT THE NEXT ZANJOE MARUDO GIRLFRIEND WILL BE LIKE

Ang next Zanjoe Marudo girlfriend na hinahanap niya ay simpleng kagaya niya. Pagdedetalye ng aktor, "He “Gusto ko yung makikilala ko at makakasama ko na, e, yung pasok na sa kung anong gusto kong buhay na mangyayari in the future. Yun, simple lang din. Yung tanggap kung ano yung lifestyle na gusto ko, hindi na para mag-adjust pa ako."

Continue reading below ↓

Sa mga naging karanasan niya sa relasyon, aniya, “Tapos na ako sa mga ganun.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe pagkatapos ng bloggers conference para sa Playhouse, ang ABS-CBN daytime series na pinagbibidahan nila ni Angelica Panganiban.

Ginanap ito sa The Grandia Place sa Quezon City, Biyernes ng hapon, October 19.

THE REAL ZANJOE

Sa kabila ng glamorosong mundo ng showbiz, inihayag ni Zanjoe na kuntento na siya sa simpleng pamumuhay.

“Sa ngayon kasi, bilang naging single ako nang mahaba-habang panahon na rin, mas nag-balance yung buhay ko.

"Mas luminaw sa akin na eto ang pagiging artista, eto yung Zanjoe na yung normal na buhay ko.

“Kasi in the past, akala ko yun na yun, e. Eto na yung mundo ko, e.

"Ang karelasyon ko, taga-showbiz din. Dun na gumagalaw yung mundo ko, yung trabaho.

"Nakalimutan ko na yung isang side.

“Ngayon, happy ako na mas alam ko na kung ano yung para sa akin and ano lang yung para sa trabaho.”

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Zanjoe, hindi siya naghahanap ng karangyaan kahit pa sabihing maganda ang takbo ng kanyang karera at kumikita rin naman siya.

“Actually, mas nag-e-effort akong makihalubilo sa mundong ‘to kasi medyo glamorous, medyo fancy yung showbiz. So, medyo hindi ako yun.

“Till now, mas gusto ko talaga mapunta lagi sa simplicity. Pati kung saan ako magse-settle down, kung saan ako titira.

“Bumabalik pa rin ako kung saan ako nagsimula.”

WORK-LIFE BALANCE

Ganunpaman, siniguro ni Zanjoe na hindi dahil gusto niya ng simpleng buhay ay nagbabalak na siyang iwan ang showbiz.

“Sa ngayon, hindi ko siya naiisip na itigil o kumbaga gawin lang siyang part-time.

“Hanggang ngayon naman, nasa loob ko pa rin na eto yung magiging trabaho ko, eto yung magiging passion ko hanggang pagtanda.

“Sana huwag mawala yun.”

Nasa artista naman daw kung paano i-manage ang trabaho at personal na buhay.

“Oo, hangga’t gusto ako ng kumpanya, hangga’t gusto ako ng tao, hindi naman siguro ako titigil.”

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zanjoe Marudo: "Kasi in the past, akala ko yun na yun, e. Eto na yung mundo ko, e. Ang karelasyon ko taga-showbiz din. Dun na gumagalaw yung mundo ko, yung trabaho. Nakalimutan ko na yung isang side."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results