Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

JK Labajo sarcastically answers bashers amid word war with Darren Espanto

by Arniel C. Serato
Oct 24, 2018
Matapos ang word war sa pagitan nina JK Labajo (nasa larawan) at Darren Espanto, dinepensahan si JK ng dating rumored girlfriend na si Maureen Wroblewitz laban sa bashers ng singer-actor.

Idinaan ni JK Labajo sa sarcastic humor ang pagsagot niya sa kanyang bashers sa Instagram matapos umingay sa social media ang Twitter war nila ni Darren Espanto.

Nag-ugat ang away ng dalawa sa tweet ni JK na patungkol diumano kay Darren.

Noong Lunes, October 22, ibinahagi ni Darren sa kanyang followers sa Twitter ang screen shot ng diumano’y tweet ni JK na nagsasabing, “@Espanto2001 gayness at its finest.”

STORIES WE ARE TRACKING

Sa kanyang post sa Instagram ngayong Miyerkules, October 24, may ilang fans si Darren na naghayag ng kanilang pagkadismaya sa diumano'y mapanirang tweet ni JK, gayong naturingang co-finalists ang dalawa sa The Voice Kids noong 2014.

Continue reading below ↓

Sabi ng isang netizen kay JK, "Kainis ka kuys, baka ikaw nga tong baklish e."

Hindi nakipagtalo si JK sa bagay na ito.

Sagot lang ng singer-actor, "oo bakla ako."

Isa pang netizen ang nagtanong kung "inggit" ang motibo ni JK nang pakawalan ang "gayness at its finest" tweet laban kay Darren.

Sagot lamang ni JK, "Amen."

Continue reading below ↓

Ilan pang netizens ang nagtanong kay JK kung makakapaglabas ba ito ng ebidensiya na totoong "bakla" si Darren.

Tila nang-iinis lang na tugon ni JK, "Is a gay? Me is say? What are proof?"

Sabi ng isa pang netizen, "You're accusing Darren as gay, how could you?!"

Balik-sagot ulit ni JK, "Pano mo nasabe?"

Continue reading below ↓

MAUREEN DEFENDS JK

Umabot sa puntong pati ang Asia's Next Top Model Season 5 winner na si Maureen Wroblewitz ay sumingit upang ipagtanggol si JK laban sa bashers ng binata.

Si Maureen ay dating napapabalitang girlfriend ni JK.

Nagpahaging si Maureen na hindi pa naman napatutunayang si JK talaga ang may gawa ng mapanirang tweet laban kay Darren.

Ani Maureen sa isang netizen na tila sumusuporta kay JK, "don't worry, truth always prevails."

Continue reading below ↓

DARREN WARNS JK

Tahimik na ang kampo ni Darren sa isyu ngunit nagbanta itong magsasampa ng reklamo sa korte laban sa kapwa Kapamilya star.

Sabi pa ni Darren sa isa niyang tweet noong October 22, "Hindi ako lalaban sa’yo pagdating sa bastusan kasi alam ko naman na bastos ka gaya ng sabi mo.

"Wag mo rin sasabihin na tinuring mo akong kapatid nung The Voice kasi ang plastic nun.

"Sa korte nalang tayo magkita kung di ka masyadong busy. Sikat mo na eh, “brother”! @KarlosLabajo"

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
JK Labajo
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matapos ang word war sa pagitan nina JK Labajo (nasa larawan) at Darren Espanto, dinepensahan si JK ng dating rumored girlfriend na si Maureen Wroblewitz laban sa bashers ng singer-actor.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results