Former Hashtag Jon Lucas celebrates first wedding anniversary with ex-It's Showtime dancer

by Bernie V. Franco
Oct 25, 2018
Former Hashtags member Jon Lucas posts emotional message for wife on their first wedding anniversary.

Proud na nag-post sa Instagram ang dating Hashtags member na si Jon Lucas tungkol sa first wedding anniversary nila ni Shy Feras, dating It’s Showtime dancer.

Ang Hashtags ay ang all-male celebrity group, kung saan dating miyembro si Jon, na lumalabas sa nasabing ABS-CBN daily noontime show.

Kung dati ay inilihim ni Jon ang tungkol sa pagiging pamilyado niya, mas vocal ngayon ito sa social media.

“Happy 1st Wedding Anniversary Mahal kong asawa! SALAMAT SA LAHAT NG GINAWA MO PARA SA AKIN AT PARA SA ANAK NATIN!” simula ni Jon sa Instagram post niya nitong October 25.

Inalala pa ng 23-anyos na Star Magic talent ang paglayo noon sa kanya ni Shy dahil ayaw nitong masira ang career ni Jon at gulung-gulo kung ano ang uunahin—career o personal na buhay.

“Grabe lang talaga yung pagsubok na nagdaan noon, naghalo-halo na sa isip ko yung mga bagay bagay!

“Ang dami pang kumplikadong pangyayari sa buhay na talagang nakakapanghina ng loob!

Continue reading below ↓

“Mabuti nalang talaga at malakas ang asawa ko, buti bago nangyari ang lahat natamnan ka na ng matibay na pananampalataya!”

FOR LIFE

Ayon pa sa mensahe ni Jon, si Shy ang dahilan upang mas maging mabuting tao siya.

“Ikaw yung inakay ko pero ikaw ang umaakay sakin sa lalong pagbabagong buhay. Napakalaking tulong mo sa buhay ko!

“Ang sarap magmahal ng taong dadalhin ka sa tamang landas!

“Alam ko marami akong pagkukulang sa'yo at sa maraming tao at aminado ako na wala akong kwentang tao.. pero lagi mong iisipin na nagkasaysay buhay ko nung naging asawa kita at naihandog natin ang anak natin sa Ama!”

Sa huli, sinabi ni Jon na nakikita niyang panghabambuhay ang pagsasama nila ni Shy.

“Ano man ang mangyare wag na wag kang bibitiw!

"Kung ano man meron ka ngayon! TUNAY YAN! Dadalhin ka niyan sa tunay na gantimpala!

"I LOVE YOU! Ikaw lang mamahalin ko hanggang sa huling sandali ng buhay ko."

Continue reading below ↓

Nitong July unang aminin ni Jon na isa na siyang ama, matapos ang mga usap-usapang nakabuntis siya ng isang It’s Showtime dancer, dahilan upang masuspinde siya sa programa.

Eleven months old na ngayon baby boy nina Jon at Shy.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Hashtags member Jon Lucas posts emotional message for wife on their first wedding anniversary.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results