John Lloyd Cruz spotted at QCinema filmfest screening

by Bernie V. Franco
Oct 26, 2018
John Lloyd Cruz together with film director Timmy Harn, who directed the QCinema entry Dog Days. The actor reportedly watched Timmy's film at a mall in Quezon City.

Isa na namang larawan ng semi-retired actor na si John Lloyd Cruz ang kumakalat ngayon.

Sa official Instagram account ng QCinema International Film Festival, naka-post dito ang larawan ni John Lloyd kasama ang indie film director na si Timmy Harn.

Si Timmy ang direktor ng Dog Days, isa sa anim na official entries ng ongoing filmfest.

Ayon sa caption, fan daw ang aktor ni Timmy, na siya ring nagdirek ng 2013 CinemaOne Originals entry na Ang Pagbabalat ng Ahas.

Hindi ito ang unang pagkakataong namataan si John Lloyd sa isang event na may kinalaman sa sining.

Kahit isang taon nang naka-indefinite leave sa showbiz ang 35-anyos na aktor, may mga pagkakataong namamataan pa rin siya sa mga art exhibit, screening ng art films, at ilang functions kasama ang artists.

Inanunsiyo ni John Lloyd ang kanyang indefinite leave sa showbiz noong October 2017 matapos pumutok ang balita tungkol sa relasyon nila ng sexy star na si Ellen Adarna.

Continue reading below ↓

Isinilang ni Ellen ang anak nila ni John Lloyd na si Elias Modesto noong June 27.

Samantala, ang QCinema ay ipinalalabas sa selected cinemas sa Quezon City, mula noong October 21 hanggang 30.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz together with film director Timmy Harn, who directed the QCinema entry Dog Days. The actor reportedly watched Timmy's film at a mall in Quezon City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results