Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

JK Labajo wears wig, makeup amid word war with Darren Espanto

by Rachelle Siazon
Oct 27, 2018
JK Labajo and Darren Espanto seem to throw allusions against each other amid their word war over the former's alleged "gayness at its finest" tweet. 

Nagpakawala ng panibagong patutsada si JK Labajo sa kanyang bashers ilang oras matapos niyang ihayag na titigilan na niya ang pagdepensa sa sarili sa gitna ng word war nila ni Darren Espanto.

Kagabi, October 26, nagbahagi si JK ng Instagram photo kung saan makikitang nakasuot siya ng wig at floral headdress.

Todo-makeup din si JK na naka-red lipstick, eye shadow, at highlighter sa ilong.

Ang caption ni JK sa litrato: "crush ko."

Continue reading below ↓

Tila kaugnay ito ng naunang pahayag ni JK kung saan sarkastiko niyang sinabi sa kanyang bashers na "bakla ako."

Sinabi ni JK iyon sa isang netizen na kinukuwestiyon ang diumano'y "gayness at its finest" tweet niya laban kay Darren kamakailan.

Noong Martes, October 23, tila nagpatutsada rin si Darren na tiyempong nakasuot ng Harry Potter costume para sa isang taping sa studio 10 ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Nilagay ni Darren ang caption na "Baka gusto mong ma-Expecto Patronum diyan eh."

Ang expecto patronum ay isang defensive charm na ginagamit ng wizards bilang proteksiyon laban sa masasamang elemento sa fictional world ng tanyag na novel/film franchise na Harry Potter.

Sa comments section ng post ni Darren, isang netizen ang nagsabing gamitan ng "avada kedavra" o isang magic spell na nakakamatay laban sa isang di pinangalanang personalidad.

Continue reading below ↓

Sagot naman ni Darren, "Wag niyo naman siyang patayin agad. Sabi nga ni Selena, 'Kill them with kindness.'"

October 22 nang sumabog sa Twitter ang hidwaan sa pagitan nina Darren at JK na dating batchmates sa The Voice Kids Season 1.

Nag-ugat ito sa diumano'y "gayness at its finest" tweet ni JK laban kay Darren.

Continue reading below ↓

Na-save ni Darren ang screen shot ng umano'y mapanirang tweet, ngunit tinanggi ni JK na siya ang may kagagawan nito.

Depensa ni JK, posibleng na-hack o may ibang gumamit ng kanyang Twitter account o kaya ay "edited" lamang ang sinasabing "gayness at its finest" tweet.

Nanindigan si Darren na hindi uubra ang umano'y palusot ni JK at hinamon na lang ito na ilabas kung sinuman ang "hacker" na may kagagawan ng isyu.

Base sa huling pahayag ni Darren noong October 23, nag-tweet siya kay JK na magkita na lang sila sa korte at hindi na niya sasagutin pa ang anumang patutsada nito sa Twitter.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
JK Labajo, Darren Espanto
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JK Labajo and Darren Espanto seem to throw allusions against each other amid their word war over the former's alleged "gayness at its finest" tweet. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results