Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Vice Ganda, Anne Curtis, Richard Gomez, Ai-Ai delas Alas, other celebs pay tribute to Rico J. Puno

by Arniel C. Serato
Oct 31, 2018
Rico J. Puno died of cardiac arrest at St. Luke's Hospital, Global City, Taguig, last Tuesday, October 30. He was 65.

Nababalot ng kalungkutan ang Philippine showbiz ngayon dahil sa biglaang pagpanaw ni Rico J. Puno, ang tinaguriang Total Entertainer sa industriya.

Si Rico ay pumanaw nitong Martes ng madaling-araw, October 30, sa St. Luke’s Medical Center, Global City, Taguig City dahil sa cardiac arrest.

Siya ay 65 years old.

Bukod sa pagiging singer, umaarte rin si Rico sa mga sitcom at teleserye.

Naging public servant din si Rico, na nanilbihang councilor ng first district ng Makati City mula 1998 hanggang 2006.

Ilan sa mga kasamahan niya sa showbiz ay ginamit ang social media upang iparamdam sa publiko kung gaano nila kamahal ang OPM legend.

Narito ang mga mensahe nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Ormoc City Mayor Richard Gomez, John Estrada, Ai-Ai delas Alas, Pokwang, at marami pang iba para kay Rico:

View this post on Instagram

Gusto kong magpasalamat sa diyos at sa abs-cbn sa pagkakataon na binigay sa akin na makasama ka sa show at makilala ka ng lubusan .... isang taong henyo sa komedya at alamat sa kantahan ... mamimiss ko ang mga nakakatawa mong jokes at minsan e wala rin namang kwenta ???? .... parati ko sinasabi sayo na ikaw lang ang inidolo ng kapatid kong bunsong lalake na namatay na rin nung bata pa sya dahil ang paborito nyang kanta ay ang "macho gwapito ".... naalala ko na minsan antok na antok ako sa taping natin at inofer mo ang condo mo na malapit sa abs para makapagpahinga ako kahit sandali lang ... napa ka maaalahanin mong tao ... at para sa akin d pa uso ang pormahan na walang medyas ang sapatos e ... pinauso mo na ... nawalan ng isang alamat ang OPM sa pag panaw mo yangku .... nawalan kame ng mahal na kapatid at kaibigan sa industriya ...magpahinga ka na yangku Rico .... mahal ka namin .... mahal kita at higit sa lahat ma mimiss kita at ang matindi mong mala anghel mong boses .... maraming salamat yangku rico ....RIP ....#IYAKAKO ... #VERYSADDAY

A post shared by John S. Estrada (@john__estrada) on

View this post on Instagram

#ripricojpuno #opm #music

A post shared by Robin Nievera (@robinnievera) on

View this post on Instagram

We will forever remember your music, Sir. Thank you po ng sobra. Rest in peace. ????

A post shared by JANINE BERDIN (@janineberdin) on

View this post on Instagram

Total entertainer... yan ang tawag kay rico j. Puno.. tama naman dahil hindi lang basta kumakanta, talagang performer... magkasama lang tayo 2 weeks ago SA show.. tulad ko makulit At sensya na mejo “naughty” ... pero yan ang style nya na nakasanayan na NG lahat.. yan ang hinahanap NG tao... komedyante na At magaling na singer.. konsehal... hurado.. host.. at napaka swerte ko kc ilang beses na kami nagkasama SA mga concerts at shows.. nanalo pa nga kami NG award matagal na bilang “best performance (collaboration) in a concert” .. na hindi ko makakalimutan kc natawa kami dahil walang script at kulitan lang ang concert na yon pero nanalo.. maharot sa entablado At kaibigan At masaya kasama. SA totoo lang hindi lahat kaya syang sakyan dahil SA kanyang kaharutan.. pero yon ang hindi ko makakalimutan SA kanya, malamang dahil ganon din ako,. Salamat SA mga alaala corics, sa mga KLASIK Mong mga kanta na binigyan mo ako NG pagkakataon na makanta kasama mo. Macho gwapito, Salamat SA kulitan. Ma mi miss ka NG lahat dahil nag iisa ka. “Ang iyong pagdaramdam, Idalangin mo sa Maykapal, Na sa puso mo ay mawala nang lubusan” — MAY BUKAS PA ????????????????

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on

View this post on Instagram

Philippines' Total Entertainer takes his Final Bow...Rest in Peace Rico J.

A post shared by Rowell Santiago (@direkrowell) on

Nakalagak ang mga labi ni Rico sa Santuario de San Antonio Parish sa Forbes Park, Makati.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rico J. Puno died of cardiac arrest at St. Luke's Hospital, Global City, Taguig, last Tuesday, October 30. He was 65.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results