Solenn Heussaff, Billy Crawford react to Sam YG, Tony Toni parody of Cesar Montano viral video

by Rachelle Siazon
Oct 31, 2018
Solenn Heussaff (wearing shades), Billy Crawford (in bonnet hat), and other celebrities react to Sam YG and DJ Tony Toni's (farthest left) parody of Cesar Montano's viral video greeting.

Ikinagulat nina Solenn Heussaff at Billy Crawford ang parody video greeting nina Sam YG at DJ Tony Toni, kung saan makikita sa kanilang likuran ang isang lalaking nakahubad habang naghuhugas ng kamay sa loob ng isang washroom.

Ang video greeting ay para sa kapwa-disc jockey nila sa Boys Night Out na si DJ Slick Rick, na umano'y nagdiriwang ng wedding anniversary nito.

Ngunit mas pumukaw ng pansin ng netizens ang lalaking topless at nakababa ang pants, na natukoy bilang kasamahan din nila sa trabaho.

Base ito sa Instagram post ni Sam YG, Martes ng gabi, October 30.

Hindi direktang binanggit nina Sam at Tony Toni kung may pinaggayahan sila ng kanilang ginawang katatawanang video.

Ngunit hindi kaila sa publiko na kahapon din kumalat ang video greeting ng aktor na si Cesar Montano para sa isang kagawad.

Nailathala pa sa iba't ibang news sites kung paanong hindi sinasadyang namataan ang isang babaeng nagbibihis sa loob ng isang bathroom sa bandang likuran ni Cesar.

Continue reading below ↓

Ang hiwalay na video na gawa nina Sam at Tony Toni ay umani ng mahigit 60,000 views sa Instagram.

IMAGE @_samyg Instagram

Kabilang sina Solenn at Billy sa netizens na nagulat at natawa sa kanilang video.

Sabi ni Solenn, "OMG. I know ur inspo for this."

Sagot ni Sam, "@solenn sige nga. take a guess [wink emoji]."

Continue reading below ↓

Gulat na pahayag naman ni Billy: "What the Hell did I just watch?!?

"That wasn't a pleasant greeting lol @samyg."

Ikinaloka rin ni Cheska Garcia ang napanood na video nina Sam at Tony Toni.

Saad ni Cheska, "Stress..."

Mismong si Slick Rick ay nagulat din, "My eyes [laughing emoji]."

Natawa naman ang iba tulad nina Nico Bolzico at Jugs Jugueta.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓

Isang netizen naman ang nagsabing "walang binatbat yung video greetings ni Cesar" sa katatawanang video nina Sam at Tony Toni.

Kumalat din sa social media ang ibang parody videos na gawa ng iba pang netizens.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Solenn Heussaff (wearing shades), Billy Crawford (in bonnet hat), and other celebrities react to Sam YG and DJ Tony Toni's (farthest left) parody of Cesar Montano's viral video greeting.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results