Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Janella Salvador, Elmo Magalona together in Canada despite serious rift

by Rachelle Siazon
Nov 1, 2018
Elmo Magalona at Janella Salvador, sabay na nag-promote ng kanilang concert tour sa Canada matapos ang rebelasyon ng dalaga na pisikal siyang sinaktan diumano ng binata nang magkaalitan sila noong Setyembre. 

Nagkrus na ang landas nina Janella Salvador at Elmo Magalona sa Calgary, Canada, ngayong Biyernes, November 1 (Manila time).

Ito ang kauna-unahang pagkakataong namataang magkasama ang dalawa mula nang isapubliko ni Janella ang alitan nilang nauwi sa pisikal na pananakit diumano ni Elmo sa dalaga.

Base sa video sa official Facebook page ng One Magical Night Canada 2018 Tour, sabay na nag-promote sina Janella, Elmo, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla para sa first leg ng kanilang concert tour sa Calgary sa November 2 (Canadian time).

Mapapanood ditong magkakatabi sa isang hilera sina (mula kaliwa) Elmo, Janella, Kathryn, at Daniel.

Kapansin-pansing may kaunting puwang sa pagitan nina Elmo at Janella. Mas nakadikit din si Janella sa tabi ni Kathryn.

Pero tila propesyunal naman silang apat na diretso sa camera ang tingin at napapalingon lang sa gawi ng prompter para sa kanilang spiels.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung nagkakaroon ng pagkatataong magkausap sina Janella at Elmo o kung nagkakailangan sila dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila ngayon.

Base sa hiwalay na Instagram Live Stories ng hair stylist na si John Valle, nagpakuha ng group photo sina Elmo, Janella, Kathryn, at Daniel pagkatapos i-shoot ang promo video.

Ngunit pagkatapos nito ay naghiwa-hiwalay rin ang apat na Kapamilya stars upang magpakuha ng litrato sa ilang mga tao sa loob ng function room.

Bago ito ay makikita rin sa Instagram Stories ni John na magkapareho ng flight ang grupo nila nina Janella at Elmo nang sila'y umalis ng Pilipinas kagabi, October 31 (Manila time).

Pagdating nila sa Canada kaninang umaga, November 1, makikitang hindi magkasabay sa paglakad sina Elmo at Janella sa airport.

Madalas na kasama o katabi ni Janella sina Kathryn at John.

Nauna nang naiulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 24 na tatlong linggo bago ang rebelasyon ni Janella tungkol sa alitan nila ni Elmo, ay personal na humingi ng dispensa ang aktor sa ina ng aktres na si Jenine Desiderio.

Continue reading below ↓

Ipinangako raw ni Elmo kay Jenine na gagawa ang aktor ng "public apology video" hinggil sa alitan nila ni Janella.

Ang ikinadismaya raw nina Jenine at Janella ay ang hindi pagtupad ni Elmo sa usapang tuluyang maayos ang gusot na kinasasangkutan nila.

Sa hiwalay na panayam ni Janella sa The Philippine Star, inamin niyang "exclusively dating" sila ni Elmo hanggang sa mangyari ang insidenteng pananakit diumano ng aktor sa dalaga.

Nabanggit din sa artikulo na dumidistansiya na raw si Janella kay Elmo, ngunit hindi itinanggi ng young actress na hindi agad mawawala ang pagmamahal nito sa aktor.

Lalo pa't dalawang taon daw nakasentro kay Elmo ang atensiyon ni Janella noon.

Nakatakdang mag-perform sina Janella at Elmo, kasama sina Daniel at Kathryn, sa kanilang concert tour sa Calgary sa November 2, Vancouver sa November 3, at Toronto sa November 10.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elmo Magalona at Janella Salvador, sabay na nag-promote ng kanilang concert tour sa Canada matapos ang rebelasyon ng dalaga na pisikal siyang sinaktan diumano ng binata nang magkaalitan sila noong Setyembre. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results