Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Kobe Paras posts cryptic message about user-friendly people

by Rachelle Siazon
Nov 7, 2018
Isang bahagi ng matalinhagang tweet ni Kobe Paras kagabi, November 6: "people will only be by your side when you're useful for them."

Nagpahaging si Kobe Paras ng mensahe sa tila naengkuwentro niyang user-friendly people.

Si Kobe ay anak ng ex-married couple na sina Benjie Paras at Jackie Forster.

Kasalukuyan siyang miyembro ng basketball team ng University of the Philippines, o kilala bilang UP Maroons.

Hindi idinetalye ni Kobe kung may partikular na insidenteng nag-udyok sa kanyang ibahagi ang malamang mensahe sa Twitter account niya kagabi, November 6.

Sabi ni Kobe: "most people these days gon love you for what you are, and not for who you are.

"that’s why be careful who you trust.

"people will only be by your side when you’re useful for them."

Ang screen shot ng tweet niya ay ipinost din ni Kobe sa kanyang Instagram Story.

Kalakip nito ang karagdagang text na nagsasabing, "facts and only facts..."

Continue reading below ↓

STRONGER BECAUSE OF FAMILY

Kung anuman ang pinagdadaanan ni Kobe, tila napawi naman ito ng pakikipagpalitan niya ng mensahe sa inang si Jackie.

Sa hiwalay na Instagram post ni Kobe kagabi, ibinahagi niya ang litrato ng kanyang tatlong nakababatang kapatid sa ina.

May maiksi itong caption: "my whole [world emoji]."

View this post on Instagram

my whole ????

A post shared by Kobe Lorenzo Forster Paras (@_kokoparas) on

Komento ni Jackie sa post ni Kobe: "We miss you soooo much! But I’m excited for you and your holidays [Christmas tree emoji] and also the future for us all! Day by day my love."

Continue reading below ↓

PREVIOUS RECONCILIATION

Lubos ang pagmamahalan sa pagitan ni Jackie at Kobe, lalo na't noon lang January 2018 sila nagkita matapos ang 12 taong hindi nila nakapiling ang isa't isa.

Unang nagkita ang mag-ina sa U.S., kung saan nakabase noon si Kobe.

Nagkaroon din ng pagkakataon si Jackie na personal na makita si Andre Paras, ang panganay na anak ng dating aktres kay Benjie, noong April dito sa Pilipinas.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang magandang komunikasyon sa pagitan ni Kobe at Jackie.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Jackie Forster
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang bahagi ng matalinhagang tweet ni Kobe Paras kagabi, November 6: "people will only be by your side when you're useful for them."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results