Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Darren Espanto explains reaction to JK Labajo's tweet against him

by Melba R. Llanera
Nov 12, 2018
Darren Espanto (left) on filing a complaint against JK Labajo (right): "Para sa akin, ayus-ayusin niya ang sarili niya, or else... We already have our own lawyers. Ituloy ko? It's up to him."

Naninindigan si Darren Espanto na si JK Labajo mismo ang nag-post ng “gayness at its finest” tweet nito na pinagsimulan ng kanilang word war sa social media.

Ito ay sa kabila ng paliwanag ni JK na na-hack diumano ang kanyang Twitter account.

Ayon kay Darren, “Sa ipinapakita niyang attitude, personality for the past three years, I would say na siya yun.”

Sina Darren at JK ay kapwa finalists sa singing search ng ABS-CBN na The Voice Kids noong 2014.

Ngayong tahimik na ang isyu sa pagitan nila, napatawad na ba ni Darren ang kapwa teen singer?

Tugon niya, “For me, it's been many years na rin naman na hindi kami nag-uusap, alam niyo naman yun…

“Pero hindi ako nasaktan, parang nainis na lang, kasi ilang taon na din na hindi ako nagsasalita.

“I felt na lang to stand up for myself once and for all."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Darren sa holding area ng Kapamilya stars na kasali sa 2018 ABS-CBN Christmas station ID shoot kagabi, November 11.

Continue reading below ↓

Itutuloy ba ni Darren ang bantang sasampahan niya ng kaso si JK?

Tugon niya, "Para sa akin, ayus-ayusin niya ang sarili niya, or else...

“We already have our own lawyers.

“Ituloy ko? It's up to him.”

Ayon kay Darren, tumigil na si JK dahil kinausap na ito ng management.

Sa gitna ng alitan nila, inulan ng batikos si JK mula sa netizens.

Nagpapasalamat naman si Darren sa pagtatanggol sa kanya ng mga tagasuporta.

Aniya, "We're very thankful to our fans na parating nandiyan to support us, ipinaglalaban kami."

Samantala, nagpapasalamat si Darren dahil nakasama siyang muli sa Christmas station ID ng ABS-CBN.

Isa rin siya sa kumanta ng theme song nito.

Pahayag ni Darren, "Of course I'm very happy, I'm one of the voices na kumanta ng staton ID this year.

“It's always so nice sa feeling na maging parte ng ABS family.

"This is my fourth year in ABS-CBN, fourth station ID ko na rin ito.”

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Darren Espanto, JK Labajo
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Darren Espanto (left) on filing a complaint against JK Labajo (right): "Para sa akin, ayus-ayusin niya ang sarili niya, or else... We already have our own lawyers. Ituloy ko? It's up to him."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results