Maine Mendoza, Arjo Atayde spotted together last Halloween at BGC bar

by Arniel C. Serato
Nov 14, 2018
Photos of Maine Mendoza and Arjo Atayde wearing matching Halloween costumes are now viral online. 

Namataang muli ng netizens ang rumored couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa isang high-end bar sa Bonifacio Global City (BGC), sa Taguig City, noong October 31.

Tila magkaterno ang Halloween costumes ng dalawa at pareho pa silang nakasuot ng makulay na mga wig.

Ngunit namukhaan pa rin sila at nakuhanan ng litrato ng ilang mga naroon sa bar.

Tweet ng netizen na nag-upload ng photo sa Twitter kagabi, November 13: “Here are some pics of ArMaine last Halloween at Brewery..."

May kasama itong tatlong larawan.

Kinilig naman ang mga fans nilang binansagang ArMaine (Arjo-Maine).

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksiyon:

Kung susumahin, humigit-kumulang limang beses nang namataang magkasama sina Maine at Arjo sa ilang pampublikong lugar.

Noong October 11, una silang namataan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Makati.

Nasundan ito ng sighting sa kanila sa isang high-end bar sa BGC noong October 20.

Continue reading below ↓

Pinaniniwalaang magkasama rin sina Maine at Arjo na nagbakasyon sa Bali, Indonesia, base sa kumalat na Instagram Stories ng mga kasamahan nila noong November 4.

Nitong November 8, huling nakunan ng litrato ang dalawa sa isang concert sa may Vertis North, Quezon City.

Bunsod nito, patuloy ang espekulasyon ng netizens na nagkakamabutihan na ang dalawa nang higit sa magkaibigan.

Tila naging malapit sa isa't isa sina Maine at Arjo mula nang magkatrabaho sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Jack Em Popoy: The PulisCredibles.

At press time, wala pang opisyal na pahayag ang dalawa hinggil sa napapabalitang ugnayan nila.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Photos of Maine Mendoza and Arjo Atayde wearing matching Halloween costumes are now viral online. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results