Arjo Atayde happy amid rumored romance with Maine Mendoza

by Rachelle Siazon
Nov 15, 2018
Arjo Atayde on status of his love life: "Masaya ako." He has been spotted going out with Maine Mendoza several times since October this year.


Short but sweet ang pahayag ni Arjo Atayde nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang love life ngayon.

"Masaya po. Masaya ako," sambit ni Arjo sa panayam ng ABS-CBN News Online ngayong Huwebes, Nobyembre 15.

Hindi tinukoy ni Arjo kung sino ang nagbibigay-inspirasyon sa kanya.

Pero hindi kaila sa publiko ang humigit-kumulang limang beses na pagkakataong namataan ang ABS-CBN actor kasama ang Eat Bulaga! Dabarkads na si Maine Mendoza.

Mula October 11 hanggang nitong November 9, nakunan ang litrato ang dalawa na masayang nagkukuwentuhan sa restaurant, tsumi-chill sa bar, nakasuot ng matching Halloween costumes, at nanonood ng concert.

Bukod pa rito ang insidenteng namataan sina Maine at Arjo—kasama ng ibang kaibigan at kaanak—sa Bali, Indonesia, isang araw bago ang 28th birthday ni Arjo noong November 5.

STORIES WE ARE TRACKING

Kapansin-pansing halos pareho ng sagot sina Arjo at Maine pagdating sa usaping love life.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang reporters kay Maine noong October 19, 2018, nakangiting inamin ng dalaga, "I'm happy and inspired."

Continue reading below ↓

Nabanggit din ni Maine na kung sakaling magkaka-boyfriend siya, mas gusto niya yung "private" para makaiwas sa mga taong maaaring makialam sa kanyang relasyon.

Pero hindi rin naman daw niya ito itatago sa publiko.

STORIES WE ARE TRACKING

Samantala, ang nakababatang kapatid ni Arjo, si Ria Atayde, ay nagpahiwatig ding "happy" siyang nakikitang "happy" ang kanyang kuya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sinabi rin ni Ria na hindi apektado si Arjo sa anumang pambabatikos na natatamo nito sa social media.

Mas importante raw para kay Arjo na alam ng mga taong malalapit sa kanila kung anuman ang nagaganap sa personal na buhay ngayon ng aktor.

Ang huling nakarelasyon ni Arjo ay ang GirlTrends member na si Sammie Rimando.

Mismong si Sammie ang nagkumpirmang hiwalay na sila ni Arjo, base sa isang panayam noong November 7.

STORIES WE ARE TRACKING



Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Arjo Atayde on status of his love life: "Masaya ako." He has been spotted going out with Maine Mendoza several times since October this year.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results