Maine Mendoza: "So much happier now than I've ever been."

by Bernie V. Franco
Nov 26, 2018
Maine Mendoza posts cryptic message about being happier now than she's ever been.

Sa pamamagitan ng isang maiksing tweet, ibinahagi ni Maine Mendoza ang estado ng kanyang buhay ngayon.

Sabi ng tinaguriang Phenomenal Star: “So much happier now than I’ve ever been and so so grateful for that.”

Kalakip ng tweet ni Maine ang isang heart emoji at isang relieved emoji.

Nag-post si Maine sa Twitter ngayong Lunes ng tanghali, November 26.

Walang ibang detalyeng ibinigay ang 23-year-old Eat Bulaga! host tungkol sa kanyang makahulugang post.

Continue reading below ↓

Ngunit ang tweet na ito ni Maine ay tila indikasyong hindi siya nagpapaapekto sa pang-iintriga sa kanya dahil sa pagkaka-link niya kay Arjo Atayde.

Simula noong October, ilang beses namataan si Maine kasama ang 28-anyos na Kapamilya actor.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kabilang na rito ang pagkakakita sa kanila sa isang restaurant sa Makati City at sa isang bar sa Bonifacio Global City.

STORIES WE ARE TRACKING

Pagpasok ng November, may mga larawang lumabas sa social media na nagmumungkahing posibleng magkasama sina Maine at Arjo sa Bali, Indonesia.

Pagkalipas ng ilang araw, may mga larawan at video na lumabas na nakita silang magkasamang nanood ng isang concert sa Quezon City.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa isang interview kay Arjo noong November 15, sinabi nitong masaya ang estado ng kanyang love life.

Pero hindi tinukoy ni Arjo kung sino ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon ngayon.

Sa tweet naman ni Maine noong October 24, ibinahagi niya ang isang quote tungkol sa “tamang panahon” at “mga bagay na hindi pinipilit.”

Continue reading below ↓

Ang dialogue na ito ay sinambit ni Lola Nidora, ang role na ginampanan ni Wally Bayola, sa “Kalyeserye” na pinagbidahan noon nina Maine at Alden Richards sa noontime show na Eat Bulaga!

STORIES WE ARE TRACKING

Samantala, bumuhos naman ang pagsuporta ng netizens sa bagong tweet ni Maine.

Anila, ang importante ay masaya ngayon si Maine sa kanyang buhay.

Narito ang ilan sa tweets ng netizens:

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza posts cryptic message about being happier now than she's ever been.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results