JM de Guzman calls out basher mocking his past drug use

by Rachelle Siazon
Nov 27, 2018
JM de Guzman to basher mocking his past drug use: "kinaya ko at marami kaming lumampas at lumaban jan brad." 

Inalmahan ni JM de Guzman ang pang-uuyam sa kanya ng isang basher tungkol sa dating paggamit ng aktor ng illegal drugs.

Sa comments section ng Instagram post ni JM kagabi, November 26, nag-iwan ng malisyosong comment ang basher.

Sabi nito kay kay JM: "shabu pa more."

Aminado si JM na dalawang beses siyang ipinasok sa rehab center bago niya tuluyang tinalikuran ang masamang bisyong iyon.

Pero iginiit ng Kapamilya actor na hindi dapat gawing katatawanan ang hirap na pinagdaanan niya noon.

Matatag na pahayag ni JM, "hahahha kinaya ko at marami kaming lumampas at lumaban jan brad.

"marami nading namatay para mahiya ka ng kaunti sa sarili mo.

"oo nga pala partida dumaan pako dun sa madilim na lugar nayun.. um. sino ka nga ulit?"

Continue reading below ↓

Isa pang netizen ang bumatikos sa diumano'y pagpapapogi ni JM at nagsabing bumalik na lang ang aktor sa rehab.

Balik-sagot ni JM, "pangit ka lang."

Marami sa mga tagasuporta ni JM ang nagtanggol sa aktor laban sa pambabatikos sa dinanas nitong pagsubok sa buhay.

Ipinaalala ng mga ito na ang mahalaga ay bumangon si JM mula sa pagkakamaling nagawa noon.

Continue reading below ↓

Siniguro naman ni JM na pinagtatawanan lang niya ang kanyang bashers.

Sa pamamagitan ng flexed biceps emojis ay inihayag din ni JM na nananatili siyang matatag sa kabila ng kanyang bashers.

Continue reading below ↓

Ang pambabatikos na natanggap ni JM ay nangyari kasabay ng pagkuwestiyon ng isa pang netizen hinggil sa diumano'y hindi pagkakaunawaan nila ni Barbie Imperial.

Dating magkatambal ang dalawa sa Kapamilya afternoon drama series na Araw Gabi.

Dawit sa isyu si Rhian Ramos, ang leading lady ni JM sa pelikulang Kung Paano Ka Nawala, na diumano'y nauugnay sa Kapamilya actor.

Nauna nang sinagot ni JM na pawang pamba-bash at pambu-bully ang ibinabatong paratang na ito sa kanya ng naturang netizen.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JM de Guzman to basher mocking his past drug use: "kinaya ko at marami kaming lumampas at lumaban jan brad." 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results