Paul Salas reacts to JM de Guzman throwback post; JM slams basher comment

by Rachelle Siazon
Nov 28, 2018
Nagkaroon ng maiksing interaksyon sina Paul Salas (kaliwa) at JM de Guzman matapos ibahagi ng huli ang throwback video nila mula sa eksenang Mula Sa Puso noong 2011. 

Lumikha ng iba't ibang reaksiyon ang maiksing palitan ng mensahe nina Paul Salas at JM de Guzman sa Instagram account ng huli kahapon, November 27.

Ito ay sa gitna ng hindi matigil na espekulasyong may alitan sina JM at Barbie Imperial, o kilala rin bilang JuanBie.

Si Paul ay ex-boyfriend ni Barbie, habang si JM ay nauugnay sa dalaga mula nang magkatambal sila sa ABS-CBN afternoon series na Araw Gabi.

Nagkaroon ng maiksing interaksiyon sina Paul at JM matapos ibahagi ng huli ang throwback video ng isang eksenang kuha mula sa Mula Sa Puso.

Ang 2011 ABS-CBN prime time series na ito ay pinagbidahan nina JM at Lauren Young.

Si Paul, na noo'y 13 years old pa lang, ay isa rin sa cast members ng programa.

Makikita sa video na hanggang lampas tenga pa lang ni JM ang height ni Paul, na ngayong binata na ay matangkad at matikas na ang pangangatawan.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

Mula sa Puso. Gabriel vs Michael scene. miss you direk Wenn.

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

Napa-comment si Paul sa post ni JM ng anim na crying-with-tears emojis.

Nag-reply naman si JM, na 23 years old lang noon sa video, ng person-shrugging emojis.

Walang iba pang sinabi ang dalawang binata.

Pero may ilang netizens ang naghayag na hindi nila gusto ang pakikipagpalitan ni JM ng mensahe sa ex-boyfriend ni Barbie.

Continue reading below ↓

Umabot sa puntong isang basher ni JM ang nagbitiw ng hindi magandang salita tungkol sa koneksiyon ni JM kay Barbie at sa ex-boyfriend ng dalaga.

Isang dirty-finger emoji ang isinagot ni JM sa pambabastos ng basher.

Pero at press time ay deleted na ang comment na iyon ni JM.

Ipinagtanggol naman si JM ng kanyang fans, na nagsasabing hindi na dapat bigyang-malisya ang palitan ng comments nina JM at Paul.

Continue reading below ↓

JM-BARBIE ISSUE

Kasabay nito ang sunud-sunod na pagsagot ni JM sa netizens hinggil sa diumano'y alitan nila ni Barbie.

Mariing pinabulaanan ni JM ang akusasyong ang ugnayan niya kay Rhian Ramos ang naging mitsa ng hindi pagkakaunawaan nila ni Barbie.

Nilinaw ni JM na magkaibigan lang sila ni Rhian, na leading lady ng Kapamilya actor sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala.

Giit pa ni JM, si Barbie ang dapat tanungin hinggil sa ugnayan nito at ng dating Pinoy Big Brother: All In housemate na si Axel Torres.

Ngunit hindi pa rin malinaw kung bakit tila may samaan ng loob sina JM at Barbie, mahigit isang linggo matapos ang pag-post ng dalaga ng "I love you with all my heart" love letter sa kanya ng Kapamilya actor.

STORIES WE ARE TRACKING

At press time ay burado na sa Instagram account ni Barbie ang mga litrato nila ni JM.

Hindi na rin naka-follow sa isa't isa sina JM at Barbie sa Instagram.

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, nag-post si JM sa kanyang Instagram Story ng maiksing video ng paghingi niya ng paumanhin sa fans na nasaktan sa kanyang posts sa social media.

Pahayag ni JM: "Sa lahat po ng na-offend ko, nasaktan na JuanBie fans...

"Fans ni Barbie, humihingi ako ng tawad. Fans ni Rhian, humihingi ako ng tawad."

Binura na rin ni JM ang ilan pa niyang posts na tahasang binara ang pambabatikos sa kanya ng netizens.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagkaroon ng maiksing interaksyon sina Paul Salas (kaliwa) at JM de Guzman matapos ibahagi ng huli ang throwback video nila mula sa eksenang Mula Sa Puso noong 2011. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results