Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Kylie Verzosa sympathizes with beauty queens who experienced sexual harassment

by Bernie V. Franco
Nov 30, 2018
Kylie Verzosa supports candidates of beauty pageants who came out and revealed they were sexually harassed. "I feel for them so much," says Kylie.

Nagbigay ng kanyang pahayag si Miss International 2016 Kylie Verzosa tungkol sa mga kandidata ng beauty pageants na nakararanas ng sexual harassment.

Matatandaang naging laman ng balita kamakailan ang pagsisiwalat ng ilang kandidata ng Miss Earth 2018 na nakaranas umano sila ng sexual harassment mula sa isang pageant sponsor.

Pinatototohanan naman ng ilang beauty queens, gaya nina Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon at Miss International 2013 Bea Rose Santiago, na may nagaganap ngang sexual harassment sa mga beauty pageant.

STORIES WE ARE TRACKING

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa pagbubukas ng Toby's Sports Flagship Store sa Bonifacio High Street, Bonifacio Global City, Taguig, nitong Miyerkules, November 28.

Dito ay kinuha namin ang kanyang opinyon kaugnay ng alegasyong sexual harassment sa mga beauty pageant.

Saad ng 26-year-old beauty queen-turned-actress, “It’s really sad that it’s happening in the beauty pageant industry and that more girls are talking about it.

“But I’m glad that the women are starting to be open about it, be strong about it, kasi it’s not easy.

Continue reading below ↓

"It’s not easy to open up about sexual harassment, sexual abuse or any kind of abuse.

“I commend the girls for speaking out. I feel for them so much.

“Kudos to the girls and I hope that the organization makes a change on it.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Buo raw ang suporta ni Kylie sa mga kapwa kandidata sa kanilang paninindigang isiwalat ang pang-aabuso sa kanila.

“Of course, I support those who came out and had the courage to speak up about the abuse.”

STORIES WE ARE TRACKING

DON’T LOSE HOPE

Ngayong taon ay wala pang napapanalunang korona ang Pilipinas sa international beauty pageants.

So far, ang pinakamataas na posisyong nakuha ng Pilipinas ay ang pagkakahirang kay Ahtisa Manalo bilang first runner-up sa Miss International 2018.

Ngunit hindi naman daw nawawalan ng pag-asa si Kylie, lalo pa't dalawang major international beauty pageants pa ang magaganap.

“We still have, like, two yata who are still competing, so I think we have a good chance and I’m excited for them.

Continue reading below ↓

“Let’s not lose hope.

“I would say that this batch is really good. May pag-asa pa tayo,” pahayag ni Kylie.

Kumpiyansa raw siya sa tsansa nina Katarina Rodriguez para sa Miss World 2018 at Catriona Gray para sa Miss Universe 2018.

Gaganapin ang Miss World 2018 sa China sa December 8, habang ang Miss Universe 2018 naman ay gaganapin sa Thailand sa December 17.

Read Next
Read More Stories About
Kylie Verzosa
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kylie Verzosa supports candidates of beauty pageants who came out and revealed they were sexually harassed. "I feel for them so much," says Kylie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results