Joj, Jai Agpangan weigh in on JM de Guzman, Barbie Imperial misunderstanding

by Rachelle Siazon
Dec 3, 2018
Joj Agpangan on real score between JM de Guzman and Barbie Imperial: "Hindi siguro maiiwasan na magkakadevelopan kayo kapag love team kayo. Pero for me lang, it's up to them talaga." Seen in the photo are (L-R) Joj, Jai, Barbie, JM. 

Kinumpirma ng twins na sina Joj at Jai Agpangan na may hindi pagkakaunawaan ang dating JuanBie love team na sina JM de Guzman at Barbie Imperial.

Sina Joj at Jai ay malapit na kaibigan ni Barbie.

Nakatrabaho rin ni Jai sina JM at Barbie sa defunct ABS-CBN prime time series na Araw Gabi.

View this post on Instagram

single ladies ????????♥? (yung isa malapit na maging taken ????)

A post shared by Barbie Imperial (@msbarbieimperial) on

Hindi idinetalye ng kambal kung anong pinag-ugatan ng alitan nina JM at Barbie, pero nagulat daw sila nang madawit sa isyu si Axel Torres.

Kaugnay ito ng patutsada ni JM na ang dapat kuwestyunin ng netizens ay ang ugnayan nina Barbie at Axel, imbes daw na ang aktor ang nagiging tampulan ng pambabatikos sa social media.

"Ako ang magsabi, wala talaga sila, promise!" sabi ni Jai patungkol sa diumano'y ugnayan sa pagitan nina Barbie at Axel.

Baka raw na-misinterpret ni JM ang pagiging magkaibigan nina Barbie at Axel.

Dagdag ni Joj, "Minsan baka naprapraning ang tao or nagko-conclude ng things, pero wala talaga.

Continue reading below ↓

"Kaibigan din kasi namin 'yan si Axel, e. So, alam ko talaga na wala, na friends lang sila ni Barbie."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Joj at Jai sa Star Magic Gives Back 2018, na ginanap sa Good Samaritan Nursing Home sa Marikina Heights, Marikina City, noong Sabado, December 1.

REAL-LIFE ROMANCE?

Natatawang umiwas ang kambal nang usisain namin ang tungkol sa away-bating relasyon nina JM at Barbie.

"Naku, Ate! Hahaha!" pakli ni Joj.

Naging magkarelasyon ba sina JM at Barbie?

Sagot ni Joj, "Hindi siguro maiiwasan na magkaka-develop-an kayo kapag love team kayo.

"Pero for me lang, it's up to them talaga.

"Respeto ako sa kanila, both sides, kung anong relationship nila."

Naniniwala ang kambal na maaayos din nina JM at Barbie kung anuman ang naging alitan ng mga ito.

"Kasi minsan sobrang busy ko naman, hindi ako nakaka-check ng social media.

"Pero ang wish ko lang sana, magbati sila.

Continue reading below ↓

"Magbati 'yan, sus, sila pa bang dalawa!"

Sabi ni Joj, "At saka kung anong nabuong bond nila sa Araw Gabi, for sure, if it's genuine, di ba..."

Dugtong ulit ni Jai, "Oo, babalik 'yan. In time siguro."

Bilang malapit na kaibigan ni Barbie, anong ipinapayo nila rito?

Sagot ni Jai, "Always guard your heart. At saka, naku, career muna!"

Sabi naman ni Joj, "Sabi ko, 'Bata ka pa naman, enjoy mo lang 'yan. Be thankful sa blessings mo. Mag-strive hard ka pa sa work field mo.'

"Kasi dami niyang blessings, e."

Dagdag ni Jai, "Pag may pinagdadaanan, dapat palakas ka lang nang palakas para maging stronger version ka ng sarili mo."

View this post on Instagram

Happy Monthsary Mich.

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman) on

BACK STORY

Hindi kaila sa mga sumusubaybay kina JM at Barbie na umani ng pambabatikos ang aktor dahil sa diumano'y panggagamit at panloloko niya sa dalaga.

Inakusahan si JM ng ilang netizens na nasaktan si Barbie nang malamang may ugnayan diumano sa pagitan ng aktor at ng leading lady niya sa Kung Paano Siya Nawala na si Rhian Ramos.

Continue reading below ↓

Sunud-sunod ang naging pagsagot ni JM sa netizens upang linawin na magkaibigan lang sila ni Rhian.

Humingi rin ng dispensa si JM kay Rhian at pati na rin sa fans na na-offend sa isyu.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa kabilang banda, hindi nakaligtas sa netizens ang malamang "young but not stupid" tweet ni Barbie gitna ng espekulasyong may alitan sila ni JM.

STORIES WE ARE TRACKING

Noon lamang November 12 ay sweet na sweet pa sina JM at Barbie, na ipinost pa sa Instagram ang regalong teddy bear at love letter sa kanya ng binata.

Nakasaad sa bahagi ng love letter ni JM kay Barbie: "I will love you with all my heart."

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joj Agpangan on real score between JM de Guzman and Barbie Imperial: "Hindi siguro maiiwasan na magkakadevelopan kayo kapag love team kayo. Pero for me lang, it's up to them talaga." Seen in the photo are (L-R) Joj, Jai, Barbie, JM. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results