Lovi Poe gracefully replies to netizen criticizing her social media posts

by Rey Pumaloy
Dec 11, 2018
<p>Lovi Poe keeps her composure as she replies to netizen criticizing her social media posts: "I don't publicize everything that I do. If my feed bothers you, feel free to unfollow."</p>
PHOTO/S: lovi poe instagram

Sinabihan ni Kapuso actress Lovi Poe ang isang Instagram follower na mas mabuting i-unfollow na lamang siya nito.

Ito ay matapos magkomento ng netizen sa Instagram post ng aktres tungkol sa pagkakapasa bilang batas ng First 1000 Days Act, na ngayon ay Republic Act 11148 o Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act.

Ang half-sister ni Lovi na si Senator Grace Poe ay co-author at co-sponsor ng nasabing panukala sa Senado.

Kalakip ng post ni Lovi ang mga larawan nang naging kinatawan siya ni Senator Poe sa Atimonan Women’s Sector General Assembly sa Atimonan, Quezon, noong nakaraang linggo.

Makikita sa mga larawan na nasa entablado ang GMA-7 contract star habang nagbibigay ng speech.

Sa background, makikita rin ang maraming taong nakikinig sa kanyang talumpati.

Mensahe ni Lovi sa caption: “Congrats to Ate @sengracepoe for the passage of her pet legislation, the first 1000 Days Act, known as Republic Act 11148 or the Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act.

Continue reading below ↓

“I have seen how my sister ardently pushed for the passage of this bill to address malnutrition among mothers and their newborn children.

“I was just talking about this when I represented her last week at the Atimonan Women’s Sector General Assembly!”

Paliwanag pa ng aktres tungkol sa bagong batas: "The legislation provides nutritional supplement for women and infants which includes vaccination, deworming, vitamin A drops, iron and food supplement, among others to improve nutrition and prevent and manage malnutrition.

"This is a big leap for our women and children. Good job, Ate Grace! #TrabahoPOE."

Continue reading below ↓

BASHER ATTACKS

Pinatutsadahan ng isang follower niya si Lovi.

Sinabihan ng netizen ang aktres na nagkaroon na rin ito ng mas kapaki-pakinabang na post, at hindi yung halos hubad raw niyang mga larawan ang nakabalandra sa kanyang IG posts.

Ayon sa netizen na may username na @sassybear_52: "Sa wakas Meron ka rin na e post na mas interesting rather always posting your body with always almost nudeity [nudity], o di ba mas ok yan mga ganyan na post yong achievement mo not just for yourself for humanity and all right ? Keep it up saying Lang poe"

Sumagot naman ang 28-year-old star at sinabi nitong hindi lahat ng nagaganap sa buhay niya ay naka-post sa social media.

Sinabihan din niya ang follower na i-unfollow siya nito kung hindi nito gusto ang kanyang mga ipinapaskil sa Instagram.

Reply ni Lovi, “I don’t publicize everything that I do. If my feed bothers you, feel free to unfollow. [heart emoji]"

Continue reading below ↓
IMAGE from @lovipoe on Instagram

Isa si Lovi sa high-profile celebrities na madalas mag-post ng bikini photos tuwing nagpupunta sa island resorts.

Ito ang naging basehan ng nasabing netizen para punahin si Lovi.

DEFENDING LOVI

May supporters ang aktres na agad na nagtanggol sa kanya.

Ayon kay @super_jhoni: “@sassybear_52, “how about you learn some manners if you don’t have nothing nice to say keep your mouth shut.”

Sabi ni @matinmacaraeg: “@sassybear_52 I think inggit lang itong sassybear na ito. Hindi siya ganun kaganda.”

Komento naman ni @its_jastinemoreno: “hayy maam feel free to unfollow po tskk hindi mo po kina-perfect yan tssk, hirap kase sa inyo ginagawa nyong issue lahat tsk.”

Dagdag pa ni @jaomapa1274: “@sassybear_52 it’s better if she post pictures of her body that posting about politics..maybe you should read newspaper or watch tv instead we din not follow a politician.”

Continue reading below ↓

Kumabig naman si @sassybear_52 matapos siyang sagutin ni Lovi.

Ipinaliwanag nitong isa siyang tagahanga at hindi basher, ngunit iginiit din nitong mas maganda kung hindi panay bikini photos ang ibahagi ni Lovi sa social media.

Muling komento ni @sassybear_52, "Oh sorry if I offended you with my comment it's just, it would've been nice to post something thats interesting rather with your bikini all the time. I watch all your movie and teleserye I like it, like the way you carry your role your actually good at it."

Hindi na sumagot pang muli si Lovi.

Continue reading below ↓
IMAGE from @lovipoe on Instagram
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Lovi Poe keeps her composure as she replies to netizen criticizing her social media posts: "I don't publicize everything that I do. If my feed bothers you, feel free to unfollow."</p>
PHOTO/S: lovi poe instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results