Pia Wurtzbach game in joining Ken Chan in "Kapag lumingon ka, akin ka!" challenge

by Ruel J. Mendoza
Dec 13, 2018
<p>Kapuso actor Ken Chan continues his funny video challenge as Boyet of <em>My Special Tatay. </em>This time, his willing victim is Kapamilya star Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.</p>
PHOTO/S: Screen grab from Ken Chan Instagram

Marami ang natuwa sa video ng bida ng My Special Tatay na si Ken Chan at ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Nagkasama ang Kapuso actor at Kapamilya beauty queen-actress sa unveiling ng kanilang stars sa Eastwood City Walk of Fame noong Lunes, December 10.

Game na game si Pia sa naging challenge ni Ken bilang Boyet sa social media na, "Kapag lumingon ka, kay Boyet ka!"

Ipinost ni Ken sa kanyang Facebook at Instagram accounts ang video.

Caption niya rito: "Yumanig ang universe ko nung lumingon ka eh! Lab ka ni Boyet! #MySpecialTatay"

Ikinatuwa ng followers ni Ken ang pagsasama nila ni Pia sa video, na kahit galing sila sa magkaibang TV networks ay nagkaisa sila sa pagkakataong iyon.

Continue reading below ↓

MESSAGE FOR KUYA GERMS

Nag-post din si Ken ng emotional message para sa tatay-tatayan niya, the late German "Kuya Germs" Moreno, sa pagtanggap niya ng star sa Walk of Fame.

Si Kuya Germs ang nagpasimula ng Walk of Fame sa Pilipinas.

Ani Ken sa kanyang post, “Pabiro kong sinabi kay Tatay (Kuya Germs) noon 'Tatay bigyan mo ako ng Star sa Walk Of Fame ah,' sagot naman niya sa akin 'balang araw magkakaroon ka din ng Star.'

"Ngayon dumating na nga ang araw na nagkaroon ako ng Star, wala ka naman Tatay.

"Pero alam kong nakangiti at proud kang pinagmamasdan ako habang tinatangap ko ang Star ko sa Walk Of Fame.

"Sobrang saya ko ngayon! Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Walk Of Fame Philippines at sa German Moreno Foundation! #WalkOfFame #WalkOfFamePhilippines"

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kapuso actor Ken Chan continues his funny video challenge as Boyet of <em>My Special Tatay. </em>This time, his willing victim is Kapamilya star Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.</p>
PHOTO/S: Screen grab from Ken Chan Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results