Miss Universe 2018 candidates under fire for alleged bullying incident

by Bernie V. Franco
Dec 13, 2018
<p>(L-R) Miss USA Sarah Summers, Miss Cambodia Nat Rern, and Miss Australia Francesca Hung pose for the camera to prove that they have kissed and made up. Miss USA and Miss Australia were accused of bullying Miss Cambodia in an Instagram Live.</p>
PHOTO/S: Photo from Instagram

Nadadawit ngayon sa kontrobersiya ang ilang Miss Universe 2018 candidates dahil sa diumano’y pambu-bully nila sa ilang kapwa contestants.

Nagsimula ang isyu sa isang recent Instagram Live na ginawa ni Miss Colombia Valeria Morales, kung saan mapapanood siyang nakikipag-usap kina Miss USA Sarah Summers at Miss Australia Francesca Hung.

Pinag-usapan ng tatlo ang limitasyon sa wikang Ingles ng fellow contestants na sina Miss Cambodia Nat Rern at Miss Vietnam H’Hen Nie.

Ang clips na kumalat sa social media ay ang pagkukuwento ni Miss USA na napag-usapan daw nila ni Miss Australia na hindi marunong mag-English si Miss Cambodia.

Lahad ni Miss USA: “I was talking to Francesca [Miss Australia] the other day, Miss Cambodia is here and doesn’t speak any English and not a single other person speaks her language.

“Can you imagine, like, Francesca said that that would be so isolating and I said yes and just confusing all the time.”

Continue reading below ↓

Hinarap ni Miss USA si Miss Colombia at sinabihang buti siya ay marunong mag-English.

Sinabi naman ni Miss Colombia na kahit si Miss Brazil Mayra Dias ay hindi marunong mag-English.

Pero depensa ni Miss USA, may ibang kandidata na Portuguese din ang language kagaya ni Miss Brazil.

“Poor Cambodia,” sabi pa ni Miss USA.

Pagkatapos nito ay sumundot ng tanong si Miss USA kung ano ang tingin nila kay Miss Vietnam.

Pinuri nina Miss Colombia at Miss Australia ang fashion sense ni Miss Vietnam.

Pero pinuna ni Miss USA ang pagpapanggap umano ni Miss Vietnam na marunong siya sa wikang Ingles.

Ani Miss USA, “She’s so cute and she pretends to know so much English.

“And then you ask her a question after having a whole conversation with her and she goes…” minuwestra ni Miss USA ang pagtango ni Miss Vietnam.

Humahalakhak pang sabi ni Miss USA, “She’s adorable!”

Continue reading below ↓

NETIZENS REACT

Magkahalo ang naging reaksiyon ng netizens tungkol sa video.

May mga nagalit sa American beauty queen dahil sa ginawa raw nitong pambu-bully kina Miss Cambodia at Miss Vietnam.

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol kay Miss USA at sinabing na-misinterpret lang ito.

Continue reading below ↓

MISS CAMBODIA SPEAKS UP

Samantala, nagkaroon din ng live video si Miss Cambodia.

Sa translation ng isang netizen, sinabi umano ni Miss Cambodia na naiyak siya, hindi dahil sa nakakaramdam siya ng “isolation” sa limitasyon niya sa English language, kundi dahil naba-bash ang kanyang mga kaibigan na sina Miss USA, Miss Australia, at Miss Colombia.

Ang tatlo raw na ito ay malapit sa kanya at hindi raw siya nasaktan sa mga sinabi nila sa IG Live.

Aware daw si Miss Cambodia nang ginagawa ang video, at “taken out of context” daw ang kanilang sinabi.

Humingi rin daw ng tawad sa kanya ang tatlo.

Sa isa pang video na in-upload ng Sash Factor, isang beauty-pageant media organization, nakunang umiiyak si Miss USA.

Mapapanood dito na nagkabati-bati sina Miss USA, Miss Australia, at Miss Cambodia.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>(L-R) Miss USA Sarah Summers, Miss Cambodia Nat Rern, and Miss Australia Francesca Hung pose for the camera to prove that they have kissed and made up. Miss USA and Miss Australia were accused of bullying Miss Cambodia in an Instagram Live.</p>
PHOTO/S: Photo from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results