Barbie Imperial defends JM de Guzman from bashers amid rumored feud

by Melba R. Llanera
Dec 13, 2018
<p>Barbie Imperial says she harbors no ill will toward former leading man and once-rumored boyfriend JM de Guzman. "Ayoko kasing magtanim ng galit, kasi kung wala si JM, hindi naman ako magiging leading lady. Kung wala si JM, hindi ako makukuha bilang Michelle Verano sa <em>Araw Gabi, </em>so thankful ako sa kaya."</p>

Nagbigay ng mensahe si Barbie Imperial sa mga tagahanga nila ni JM de Guzman na nam-bash sa aktor dahil sa nabalitang away sa pagitan nila.

Ang pinagsimulan nito ay ang pagpu-post ni Barbie ng mensaheng "Young but not stupid" sa Twitter.

Naituro ring rason sa hindi pagkakaunawaan ng tambalang JuanBie ang Kapuso actress na si Rhian Ramos, na nakapareha naman ni JM sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala.

Mensahe ni Barbie sa JuanBie fans, "Siyempre thankful kami na sinusuportahan niyo kaming dalawa ni JM simula nung Araw Gabi. Hanggang ngayon, nandiyan pa rin sila.

"Pero sana lang po huwag naman maging masyadong harsh sa tao, lalo na alam naman nilang may pinagdaanan before yung tao.

"Maging tao naman tayo, alam ninyo na kung ano ang pinagdaanan nung tao. Huwag na po nating idiin kung ganun siyang klase ng tao, kasi mabait si JM."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Barbie sa ABS-CBN Christmas special na ginanap sa Araneta Coliseum noong Martes, December 11.

Ang isa sa pinagbatayan ng marami kaya lumabas na may hidwaan sina Barbie at JM ay dahil sa tweet ng aktres na "Young but not stupid."

Continue reading below ↓

Tinanong ng PEP.ph si Barbie kung patungkol ba ito sa dating kapareha.

Sagot niya, "Hindi naman. Sa lahat naman, kasi totoo naman, di ba? Young but not stupid."

NO LONGER TALKING

Ayon kay Barbie, okay na sila ngayon ni JM, pero hindi nga lang sila nag-uusap gaya ng dati.

"Kami, okay kami, magkaibigan. Okay kami as friends. Usap? Hindi na," saad niya.

Nang tanungin kung ano ba ang pinag-ugatan ng tampuhan nila, umiwas si Barbie na pag-usapan ito.

Aniya, "Siguro sa amin na lang yun.

"Para sa akin naman, hindi importante na malaman pa ng buong mundo kung ano yung nangyari, kung bakit nagkaganun.

"Kumbaga, may respeto pa rin ako sa kanya."

Si Rhian Ramos ba ang dahilan ng naging alitan nila ni JM?

Hindi direktang sinagot ni Barbie ang katanungan.

Sabi niya, "Basta happy ako. Yun naman ang importante.

"Kung anuman ang nangyari, ako kasi naniniwala ako na meant to be talaga, e, baka di talaga puwede.

Continue reading below ↓

"Someday baka maintindihan ko, malalaman ko rin ang reason kung bakit siya nangyari."

STORIES WE ARE TRACKING

ON WORKING WITH JM AGAIN

Sa kabila ng lahat, inamin naman sa amin ni Barbie na nasaktan siya sa nangyari sa kanila ni JM, pero hindi siya nagtanim ng galit sa dating kapareha.

"Tao lang ako, nasasaktan.

"Ayoko kasing magtanim ng galit, kasi kung wala si JM, hindi naman ako magiging leading lady.

"Kung wala si JM, di ako makukuha bilang Michelle Verano sa Araw Gabi, so thankful ako sa kaya."

Bukas din daw si Barbie na makatrabaho muli si JM kung may proyektong ibibigay muli sa kanila.

"Oo naman. Sobrang okay kami, magkaibigan kami.

"Marami naman akong natutunan, yun naman, hindi naman ibig sabihin na may mga nangyaring ganyan...

"Ako kasi, hindi ako nagtatanim ng galit, e.

"Alam ko laging nangyayari... kunwari nangyari ito, may kasunod na blessing.

"So, para sa akin, 'Ah, kaya pala siya nawala sa buhay ko kasi ito pala yun.'

Continue reading below ↓

"Ako naman, wala lang, happy naman ako, as in totoong happy."

MAKING AMENDS WITH PAUL

Naniniwala si Barbie na lahat ay nangyayari ay may dahilan.

Kagaya na lang ng nangyari sa kanila ng ex-boyfriend na si Paul Salas, kung saan nagkita sila sa isang party kamakailan at nakapag-usap sila nang maayos.

Ayon sa Kapamilya actress, "Naghiwalay kami before, 'Ah, kaya pala kami naghiwalay kasi ito pala yung para sa akin ngayon.'

"Okay na kami. Okay na kami ni Paul, friends na talaga kami.

"Nakakatuwa lang kasi may isang event kaming pinuntahan 'tapos nagkasalubong kami.

"'Tapos sobrang traffic ng mga tao, ang daming tao, 'tapos magkapantay na kaming ganun, nagkasalubong.

"Tumingin na lang ako sa kanya, tumingin siya sa akin, nag-smile kami sa isa't isa.

"'Tapos nagkaroon kami ng chance na magkausap... party siya ng friend naming lahat, friend namin ni Paul.

"Nagkausap kami, 'Wala, kalimutan na lang natin. Maging thankful na lang tayo kasi siguro dahil dun sa nangyari naging matured tayo. Kung ano tayo noon, yun ay dahil naging parte tayo ng buhay ng isa't isa.'"

Continue reading below ↓

TIRED BUT THANKFUL

Kamakailan ay naospital si Barbie dahil sa sunod-sunod na trabaho at kawalan ng tulog.

Lahad niya, "Ano lang ito, hindi naman siya sobrang lala.

"Three days akong nag-work na walang tulog, nag-taping ako, 'tapos nag-Davao ako 'tapos taping uli.

"Sobrang delayed ng flight so hindi ako makatulog nang maayos sa airport.

"Yung call time ko is 7 a.m. 'tapos kailangan ako sa lahat ng eksena.

"'Tapos sinasabayan ko pa siya ng diet. Hindi ako mahilig mag-vitamins kasi, e, so hayun."

Isa si Barbie sa mga artistang maganda ang takbo ng career ngayong 2018.

Labis naman ang pasasalamat niya dahil dito.

Saad niya, "Grabe, sobrang amazing!

"Ito yung year na ang daming nangyari, yung bumagsak ako, na-hurt ako nang sobra, pero grabe, ang dami din palang pasabog.

"Naging leading lady ako, 'tapos yung Araw Gabi."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Barbie Imperial says she harbors no ill will toward former leading man and once-rumored boyfriend JM de Guzman. "Ayoko kasing magtanim ng galit, kasi kung wala si JM, hindi naman ako magiging leading lady. Kung wala si JM, hindi ako makukuha bilang Michelle Verano sa <em>Araw Gabi, </em>so thankful ako sa kaya."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results