Mariel de Leon confident Catriona Gray will be the next Miss Universe

by Bernie V. Franco
Dec 15, 2018
<p>Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon on Miss Universe-Philippines 2018 Catriona Gray: "I’m sure, she will be Miss Universe 2018!"</p>
PHOTO/S: Photos from Instagram

Nagpahayag ng kumpiyansa si Mariel de Leon na ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray ang mananalong Miss Universe 2018.

“Catriona was PERFECT during prelims! I’m sure, she will be Miss Universe 2018! #MissUniverse #Philippines,” tweet ni Mariel nitong December 14, Biyernes.

Gaganapin ang grand coronation ng Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand, sa Lunes, December 17.

Continue reading below ↓

Si Mariel ang kinoronahang Bb. Pilipinas-International noong 2017.

Kabilang siya sa batch ng mga nanalong beauty queens sa Binibining Pilipinas 2017 na nagpasa ng mga korona sa batch nina Catriona.

Matatandaang nasangkot sa kontrobersiya sina Mariel at Catriona nang magkomento si Mariel na tila “scripted” kung sumagot si Catriona.

Nangyari ito sa ginawang pre-pageant training session sa mga Binibining Pilipinas 2018 candidates, kung saan kabilang si Catriona.

Bilang reigning beauty queen noon, kabilang si Mariel sa mga nagkokomento sa candidates.

Hindi ito nagustuhan ng fans ni Catriona, kaya’t na-bash sa social media si Mariel.

Dumipensa si Mariel at sinabing constructive criticism ang kanyang ginawa.

Ipinagtanggol din ni Catriona si Mariel sa gitna ng pambabatikos.

Kung papalaring manalo, si Catriona ang magiging pang-apat na Pilipinang Miss Universe.

Ang mga Pilipinang nanalo sa Miss Universe ay sina Gloria Diaz (1969), Marie Moran (1973), at Pia Wurtzbach (2015).

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon on Miss Universe-Philippines 2018 Catriona Gray: "I’m sure, she will be Miss Universe 2018!"</p>
PHOTO/S: Photos from Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results