Korina Sanchez ends urban legend about her and fellow ABS-CBN broadcaster Karen Davila

by Arniel C. Serato
Dec 17, 2018
<p>Korina Sanchez (left) finally ends speculations about professional rivalry with fellow ABS-CBN anchor Karen Davila. </p>
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram

Binasag na ni Korina Sanchez ang katahimikan tungkol sa matagal nang bulung-bulungang diumano'y may professional rivalry sila ng kapwa ABS-CBN anchor na si Karen Davila.

Sa isang post sa Instagram kagabi, December 16, sinabi ng Rated K host na walang isyung namagitan sa kanila ng Bandila anchor.

Sabi ni Korina, “With ABSCBN's Karen Davila, for Anton San Diego.

"It's his birthday and he had to ask me, 'Is it ok for me to have a photo with you and Karen together?'

"I thought the question funny, like it was something I would disagree with.

"I said, 'Why not?'"

Sumagot naman dito kaagad si Karen.

Bahagi ng mensahe niya, “Nice seeing you @korina you look great!”

Continue reading below ↓

Sa isa pang post, sinabi ni Korina, “I guess urban legend can indeed precede reality.

"Karen and I have worked in ABS-CBN together for decades.

"And there is no issue whatsoever.”

Sumagot muli si Karen dito.

Bahagi ng mensahe niya kay Korina, "Haha… great way to end 2018.”

Continue reading below ↓

Sa post naman ni Karen kagabi rin, sinabi niyang isa itong magandang development para sa pagtatapos ng taong 2018.

Saad niya, “#MerryChristmas Great way to end 2018! Resolution for 2019: Paano pumayat ng ganito. #HappyBirthdayAnton #HappyHolidays.”

View this post on Instagram

#MerryChristmas ???? Great way to end 2018! Resolution for 2019: Paano pumayat ng ganito ???? #HappyBirthdayAnton #HappyHolidays

A post shared by Karen Davila (@iamkarendavila) on

Ikinatuwa naman ito ng ilang mga kaibigan ng dalawa:

Bago umalis si Karen sa GMA-7 noong 2000, katapat ng programa niya sa hapon na Extra! Extra! ang Balitang K ni Korina sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Noong nasa Kapamilya Network na si Karen, nag-reformat ang TV Patrol, na naging TV Patrol World, para maging iba sa papasukan niyang hosting job na dating inukopahan ni Korina.

Dahil dito, marami ang nagsasabing hindi nag-uusap ang dalawang brodkaster na parehong nasa ilalim ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Read Next
Read More Stories About
Korina Sanchez, Karen Davila
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Korina Sanchez (left) finally ends speculations about professional rivalry with fellow ABS-CBN anchor Karen Davila. </p>
PHOTO/S: Courtesy: @korina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results