Edward Barber, Maymay Entrata: "We're comfortable being weird."

by Bernie V. Franco
Dec 24, 2018
<p>Maymay Entrata and Edward Barber explain why fans love them. She says,"Gusto kong magbigay ng totoong saya, parang kaibigan lang. Talagang todo ako kung sino ako." He says, "Because maybe they can relate to our craziness."  </p> <p> </p>
PHOTO/S: Photo by Joseph Pascual

Para kina Maymay Entrata at Edward Barber, ang kanilang pagpapakatotoo ang rason kung bakit gusto sila ng mga tao.

“Siguro nakaka-relate sila sa mga pinagdaanan ko sa buhay,” simula ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 grand winner.

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Maymay at Edward noong November 27.

Ani Maymay, “Hanggang ngayon, kahit ano ang na-achieve mo sa buhay, walang dahilan para magbago ka.

"Mas pipiliin mo mag-appreciate, mas maging thankful po at spread mo yung blessings mo.

"Nagpapakatotoo lang ako. Magaan sa pakiramdam na mahal ka ng tao dahil totoo ka. At wala kang tinatago.

“Kaya kapag may nagba-bash sa akin 'tapos hindi naman totoo, bakit ka maaapektuhan?

"Don na lang ako sa totoo. Mas masaya at mas worth it pa.”

Sinang-ayunan naman ito ng kanyang ka-love team na si Edward.

“We sort of… in a way, we want to represent… I think people can relate to the weirdness, like Maymay and I…”

Continue reading below ↓

“Like, just we’re comfortable being weird coz that’s who we are.

"And I feel like a lot of people, especially the millennials nowadays, people our age, they can relate to weird.

"Because some people they have to hide their weirdness.”

Isang halimbawa ng binanggit ni Edward ang kaibigan ng kanyang ina na itinatago ang tunay niyang katauhan.

Lahad niya, “Yung nanay ko may kaibigan siya. They went to a concert, she went with her bosses.

"My mom’s friend is such a loud person, funny person, exactly like Maymay in personality.

“But when the bosses were there, she had to hide her excitement just because trabaho yun.

“But on free time, she could be who she really was."

Dugtong ng binata, “Maybe that’s why they like Maymay, they like watching us because maybe they can relate to our craziness.”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Maymay, ang pagiging “masa” niya ang nagustuhan sa kanya ng kanyang mga supporters

“Siguro nakaka-relate sila sa ‘kin, yung pagka-fan girl. 'Pag iniisip mo 'pag artista, ang hirap i-reach.

"Alam mo yung tipong hindi mo siya makausap, hindi mo talaga makita, makilala sila.”

Ito raw ang dahilan kung bakit sinisikap ni Maymay na magkaroon ng oras sa kanyang mga fans.

“'Pag may pagkakataon na ma-meet lahat ng fans ko, talagang todo ako kung sino ako.

“Ipapakita ko para naman di ako mahirap i-reach. Pag nagmu-mall show ako, isa-isahin sila; kung pwede nga lang isa-isahin ko sila.”

Sabi pa ni Maymay, “Gusto kong magbigay ng totoong saya, hindi yung pinpilit mo lang. Parang abot nila ako, parang kaibigan lang.

READ: Maymay Entrata and Edward Baber: keeping it real

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Maymay Entrata and Edward Barber explain why fans love them. She says,"Gusto kong magbigay ng totoong saya, parang kaibigan lang. Talagang todo ako kung sino ako." He says, "Because maybe they can relate to our craziness."  </p> <p> </p>
PHOTO/S: Photo by Joseph Pascual
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results