Jackie Forster reunites again with son Kobe Paras in Hong Kong for Christmas

by Arniel C. Serato
Dec 26, 2018
<p>Kobe Paras (in army hoodie) celebrates Christmas in Hong Kong with mom Jackie Forster (rightmost), together with her second husband Michael Franken (leftmost) and the couple's kids.</p>
PHOTO/S: Courtesy: @jackie_forster on Instagram

Muling nakapiling ni Jackie Forster ang anak na si Kobe Paras sa Hong Kong nitong nakaraang bisperas ng Pasko, December 24, hanggang sa mismong araw ng Pasko, December 25.

Lumipad si Jackie, kasama ang kanyang pangalawang pamilya, mula sa London papuntang Hong Kong upang katagpuin si Kobe roon.

Si Kobe ang bunsong anak ni Jackie sa ex-husband nitong si Benjie Paras.

Narito ang kopya ng magkasunod na Instagram posts ni Jackie:

May iba pang larawang ibinahagi si Jackie sa kanyang Instagram, kung saan makikitang naroon din ang kanyang second husband na si Michael Franken at tatlong anak na sina Yohan, Caleigh, at Jared.

Kapansin-pansing masaya at kumportable si Kobe sa piling ng mga ito.

Bukas din naman si Kobe sa pagsasabi na sa sandaling panahon ay napamahal agad sa kanya ang kanyang maternal siblings.

View this post on Instagram

Christmas lunch???? happy tummies ???????????? #grateful #familyftravels

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

View this post on Instagram

@_kokoparas ???? @caleighsimone #familyftravels ???? @palmangels_hongkong @palmangels

A post shared by Jackie Forster (@jackie_forster) on

Hindi kasama ni Kobe ang kuya niyang si Andre Paras sa family get-together nila ng inang si Jackie.

Continue reading below ↓

Pero base sa pahayag ni Andre noong September, siniguro niyang maayos sila ng kanyang biological mother.

Sadyang tahimik lang daw si Andre pagdating sa usaping pampamilya dahil mas gusto niya itong manatiling pribado.

STORIES WE ARE TRACKING

BACKSTORY

Noong January 2018 naganap ang reconciliation sa pagitan ni Jackie at mga anak na sina Kobe at Andre matapos ang labindalawang taong tampuhan at hindi pag-uusap.

Si Kobe ang nag-initiate ng pagkakaayos nila ni Jackie, at nauna silang nagka-bonding noong panahong nakabase pa si Kobe sa U.S.

Kasabay noon ang simula na ng komunikasyon sa pagitan nina Jackie at Andre sa pamamagitan ng Facebook chat.

Nasundan ito nang sabay-sabay na reunion nina Jackie, Kobe, at Andre dito sa Pilipinas noong April 2018.

Si Jackie ay naninirahan sa London kasama ng kanyang second family, pero madalas nang nagkikita ang dating aktres at anak na si Kobe.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Jackie Forster, Kobe Paras
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kobe Paras (in army hoodie) celebrates Christmas in Hong Kong with mom Jackie Forster (rightmost), together with her second husband Michael Franken (leftmost) and the couple's kids.</p>
PHOTO/S: Courtesy: @jackie_forster on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results