Kiray Celis thanks GMA Network for new showbiz opportunities

by Bernie V. Franco
Jan 4, 2019
<p>Kiray Celis signs up with GMA-7 after 20 years of being a Kapamilya. "Excited po ako sa aking bagong kabanata sa aking buhay," the 23-year-old actress beamed.</p>
PHOTO/S: @kiraycelis on Instagram

Lubos ang pasasalamat ni Kiray Celis sa GMA Network sa pagkakataong ibinigay sa kanya bago sumapit ang Bagong Taon para makapagtrabaho.

Kahapon, January 3, Huwebes, nag-post sa Instagram ang 23-anyos na komedyante ng pasasalamat sa pagpirma niya sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng TV network.

Bungad ni Kiray sa kanyang post: "NEW YEAR. NEW CHAPTER. NEW WORKPLACE.

"Maraming salamat sa mainit na pagtanggap sa akin, GMA ARTIST CENTER.

"Excited po ako sa aking bagong kabanata sa aking buhay."

Nakatakda rin siyang matampok sa tatlong weekend series ng GMA kabilang ang Daig Kayo ng Lola Ko, Dear Uge, at Maynila.

Sabi pa ni Kiray, "Abangan niyo po ako sa mga guestings ko sa DAIG at ang aming upcoming show nila ms jennylyn mercado and Sir gabby concepcion at.. sa sabado po, abangan niyo po ako sa MAYNILA... At DEAR UGE."

Pagpapatuloy ng aktres, malaking bagay para sa kanya na binigyan siya ng pagkakataong maipakita pa niya ang kanyang talent upang makapagpasaya ng mga tao.

Continue reading below ↓

“Salamat sa chance na binigay niyo sa akin Para mas lalo ko maipakita sa mga manunuod kung paano ko pa sila mapapasaya at mapapangiti.

"Kung ano pa yung di nila nakikita at kung ano pa yung kaya kong ipakita. Hangad ko lang ay trabaho at makapag pasaya ng mga tao,” lahad ni Kiray.

Pumirma si Kiray ng kontrata sa bago niyang tahanan noong December 2018.

Pero bago ito, halos dalawang dekada si Kiray sa bakuran ang ABS-CBN, kung saan siya nagsimula.

Sa loob ng mahabang panahon ay naging talent din siya ng Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya Network.

Binanggit din ni Kiray ang kanyang mga napipintong trabaho sa GMA, kabilang na rito ang upcoming prime-time teleserye na Luv U 2 na pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
<p>Kiray Celis signs up with GMA-7 after 20 years of being a Kapamilya. "Excited po ako sa aking bagong kabanata sa aking buhay," the 23-year-old actress beamed.</p>
PHOTO/S: @kiraycelis on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results