Sunshine Dizon admits hesitation in filing for annulment

by Rose Garcia
Jan 5, 2019
<p>Kapuso actress Sunshine Dizon explains why she always thinks twice about filing for the annulment of her marriage to estranged husband Timothy Tan: "Matagal na akong nakapag-move on. Pero siyempre, di ba, lahat naman ng tao, pro-family tayo. Kung kaya pang ayusin, aayusin, ilalaban mo."</p>
PHOTO/S: Rose Garcia

Natawa ang Kapuso actress na si Sunshine Dizon nang sabihin naming walang dudang maganda ang takbo ng career niya sa nagdaang taon, at gayundin sa pagpasok ng bagong taon.

Sa katunayan, may bago siyang afternoon series sa GMA-7, ang Inagaw Na Bituin.

Pero kung ang tatanungin ay tungkol sa personal life o usapang puso, kumusta naman kaya ang aspetong ito ng buhay kanya?

“Ah, ano raw yun?

“Hindi puwedeng best of both worlds.

“Ganun talaga.

“Choose one only,” natawang sabi niya.

Pero okay lang ba sa kanyang ang career niya ang mas mabigyan ng focus sa ngayon?

Mabilis niyang sagot, “Oo naman, lalo na ang hirap na ng buhay ngayon.

“Magpasalamat tayo na may trabaho tayo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa isa sa mga taping ng Inagaw Na Bituin sa Kamuning, Quezon City kamakailan.

HESITANT TO FILE FOR ANNULMENT?

Napansin naman namin na “di pa ngayon” ang sagot niya nang tanungin ito kung hindi pa siya nagpapa-annul ng kasal nila ng mister niyang si Timothy Tan.

Continue reading below ↓

Dati kasi, parang wala sa plano niya ang magpa-annul.

Pakli niya, "Hindi ko pa sure.”

Posible kayang siya na rin ang manguna sa pagpapa-annul?

Pag-amin niya, “Baka, baka... minsan naiisip ko na rin.

“Kasi, di ba, bakit nga ba?

“Parang ayoko rin naman na alisin sa sarili ko na baka may chance rin ako, di ba?”

Magtatatlong taon na rin naman daw mula noong naghiwalay sila.

Sabi rin ni Sunshine, “Matagal na akong nakapag-move on.

“Pero siyempre, di ba, lahat naman ng tao, pro-family tayo.

“Kung kaya pang ayusin, aayusin, ilalaban mo.

“Pero sometimes, you also get to a point na you also want to consider your own happiness for yourself, di ba?

“Kumbaga sa giyera, hindi mo na alam kung saan ka nakatayo, di ba?”

CIVIL RELATIONSHIP

Okay naman ba sila ng ama ng kanyang mga anak?

Saad niya, “Yeah, well, it’s not perfect.

“Civil naman kami, hindi naman kami nag-aaway.

Continue reading below ↓

“Pero ayoko ring umabot sa point na parang isipin ng mga anak ko, 'Ganun na lang ba talaga yun?'

“I would want for my children to know better din in life, eventually.

“May mga bagay rin na you have to step away rin when it’s not healthy for you rin anymore.

“Pero siguro, hindi ko na rin naman siguro kailangang ma-guilty kasi nilaban ko na rin naman ng tatlong taon.”

CONCERN FOR KIDS

Kinumusta rin namin kay Sunshine kung sa loob ng tatlong taon ay may pagkakataong sinabihin siya ng mga anak niya na magbalikan na lang sila ni Tim.

Lahad niya, “Wala. Never nagtanong ang mga anak ko, to be honest.

“Wala sila yung gusto nila magkabalikan kami.

“Parang nakuntento rin ang mga anak ko na ganun ang situation.

“Pero yun din, I don’t want my children to think that it’s okay.

“Paano kapag tumanda na sila, nag-asawa sila?

Continue reading below ↓

“I want them to be genuinely happy with their situation also in life.

“Kapag alam mo na you did everything naman in your power to fix it, hindi na talaga, e.

“Wala na.”

SINGLE BUT HAPPY

Pagdating sa pagiging single parent niya, ano ang pinakamahirap para sa kanya?

“Malungkot!” pag-amin niya.

“Pero alam niyo, sobrang na-enlightened ako noong presscon ng Rainbow’s Sunset.

“Direk Joel Lamangan was asked kung malungkit daw ba ang mga gays during the sunset of their life.

“Napakaganda ng sinabi ni Direk Joel.

“Hindi mo puwede i-automatically assume na kapag single ang tao, malungkot ang buhay nila.

“Kasi marami namang single, pero masaya sila, di ba?

“At marami rin naman na married, pero hindi talaga sila masaya.

“Na-enlighten ako noong sinabi ni Direk yun.

“You know, honestly, in the three years, malungkot, oo... pero masaya rin naman ako, e.”

May mga nag-a-attempt na bang manligaw sa kanya?

Continue reading below ↓

Aniya, “I don’t want to open myself also.

“Kung meron man, hindi pa para i-entertain ko rin.

“Ayokong balikan ako na, 'O, inulit mo lang ang ginawa ng asawa mo.'

“Gusto kong malinis.

“I don’t want anything hanging on my shoulder.

“Parang looking back, e, ginawa mo rin ang ginawa sa ‘yo. Anong pinaglalaban mo?”

Sabi pa niya, “Baka unfair rin kung may dumating na bago.

“At saka, paano mo i-e-explain yun sa mga anak mo?

“Kung ang pinag-uusapan dito ay moralidad, di ba?

“So, I do not entertain and I’m not at that point in my life.

“Sabi ko nga kanina, malungkot.

“Kasi, nakakalungkot din na natutulog kang mag-isa.

“Nakakalungkot din na wala kang pinagsasabihan ng hinaing mo sa buhay.

“Iba ang asawa, iba ang close friends.

“Pero masaya rin naman ako. May trabaho ako. Maayos ang mga anak ko.

“Hindi naman kami pinapabayaan ni Lord.

“It’s not perfect but I’m okay with it.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kapuso actress Sunshine Dizon explains why she always thinks twice about filing for the annulment of her marriage to estranged husband Timothy Tan: "Matagal na akong nakapag-move on. Pero siyempre, di ba, lahat naman ng tao, pro-family tayo. Kung kaya pang ayusin, aayusin, ilalaban mo."</p>
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results