MJ Lastimosa slams troll who maliciously accused her of "selling" herself

by Bernie V. Franco
Jan 8, 2019
<p>Miss Universe 2014 Top 10 finalist MJ Lastimosa reacts to netizen who accused her of "selling" herself.</p>
PHOTO/S: @mj_lastimosa on Instagra

Nakipagsagutan si Miss Universe Philippines 2014 Mary Jean “MJ” Lastimosa sa isang basher na malisyosong inakusahan ang beauty queen ng pagbebenta ng sarili.

Si MJ ay nakapasok sa Top 10 sa 63rd edition ng Miss Universe pageant.

Nangyari ang palitan ng mga komento ni MJ at bashers sa Instagram post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa palitan ng mga komento, tila ang tinutukoy na event ay nangyari sa Thailand, sa kasagsagan ng 67th Miss Universe pageant noong December 2018.

Sa comments section, may sinagot na tanong si MJ na tila inaakusahan siyang may kasamang lalaki sa isang event.

Itinag ni MJ ang mga nakasama niyang tao sa naturang event.

Babala ni MJ sa basher, “Be careful with your words.”

Continue reading below ↓

Samantala, burado na ang komentong nagtataglay ng akusasyon ng basher kay MJ.

Sumagot ang basher at sinabing totoo umano ang tsismis tungkol kay MJ na may kasamang lalaki sa event.

Muling sumagot si MJ at itinanggi ang akusasyon ng basher.

“maghunos dili ka te kasama ko mga pageant directors at the same time and I never tagged nobody. Ganap mo sa buhay?”

Continue reading below ↓

May nagtanong na kakilala ni MJ kung ano ang nangyayari.

Sagot ni MJ: “Hahahaha she’s basically saying I am selling myself [laughing emojis] Gaddamnnnnn”

Sabi pa ni MJ, may mga hindi makatanggap na may kakayahan siyang gumastos gamit ang sariling pera.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓

May netizens na kilalang personal si MJ ang sumagot at ipinagtanggol ang beauty queen.

Anila, hindi kailangang ibenta ni MJ ang sarili para kumita ng pera.

Continue reading below ↓
Continue reading below ↓

Natawa na lang si MJ at sinabing mahina ang comprehension ng naturang basher.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Miss Universe 2014 Top 10 finalist MJ Lastimosa reacts to netizen who accused her of "selling" herself.</p>
PHOTO/S: @mj_lastimosa on Instagra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results