Kris Aquino finds allies in Teddyboy Locsin, Lolit Solis, Angel Locsin, Kim Chiu, other celebs

by Bernie V. Franco
Jan 9, 2019
<p>Kris Aquino reveals her multiple health concerns amidst her legal battles against former KCAP managing director Nicko Falcis and his brother Atty. Jess Falcis.</p>

#KrisAquinoVsNickoFalcis

Nagpaabot ng mensahe ang ilang kilalang personalidad hinggil sa iba’t ibang isyung kinasasangkutan ngayon ni Kris Aquino.

Nitong weekend ay lumipad ang actress/host/web star sa Singapore para magpatingin dahil sa mga karamdaman niya.

Ani Kris, dalawang linggo siyang mawawala para sa medical tests.

Kaugnay nito, sunud-sunod ang posts ni Kris sa Instagram.

Marami rito ay tungkol sa schedule na pagpapatingin sa medical experts dahil sa kanyang health issues.

Sa kanyang Instagram Live session noong Sabado, January 5, sinabi ni Kris na kailangan niyang magpasuri dahil sa mga problemang kalusugan.

Sa lahat, pinangangambahan ni Kris ang posibleng pagkakaroon ng lupus.

STORIES WE ARE TRACKING

LOLIT AND TEDDYBOY

Ayon kay Kris, lubos na naapektuhan ang kanyang kalusugan dahil sa hidwaan nila ni Nicko Falcis, ang dating managing director ng digital company niyang Kris C. Aquino Productions (KCAP).

Si Nicko ay naging talent agent at endorsement closer din ni Kris sa loob ng isa’t kalahating taon.

Continue reading below ↓

Umabot na sa usapang legal ang hidwaan nina Kris at Nicko.

Bago matapos ang 2018 ay sinampahan ni Kris si Nicko ng reklamong 44 counts of Qualified Theft dahil sa diumano’y paggamit ni Nicko ng KCAP credit card upang bayaran ang personal expenses nito nang walang pahintulot ni Kris.

Mariin namang itinanggi ni Nicko ang akusasyon sa kanya ng actress-host.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi ni Nicko, pinagbantaan pa ni Kris ang kanyang buhay.

STORIES WE ARE TRACKING

Kaugnay nito, nagpakita ng suporta kay Kris ang talent manager na si Lolit Solis at si Department of Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., ang dating speechwriter at spokesperson ng ina ni Kris, ang namayapa nang President Corazon Cojuangco Aquino.

Sa kanyang mahabang Instagram post nitong January 8, Martes, todo-suporta si Lolit kay Kris sa isyu nito laban kay Nicko.

Sabi ng veteran showbiz columnist at talent manager, kilala mang taklesa si Kris ay hindi raw ito basta-basta nambibintang nang walang katotohanan.

Continue reading below ↓

“One thing I can say, hindi si Kris ang tipo na magbibintang ng basta-basta, to put one down, kaya pag sinabi niya sure ako, lalo at sensitive na issue, na tutoo iyon bintang niya,” bahagi ng post ni Lolit.

Sabi pa ni Lolit, “I will always stand by my belief na wala siyang mean bones.”

View this post on Instagram

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Ayon naman kay DFA Secretary Locsin, inggit lang kay Kris ang mga hindi kumakampi sa actress-host.

Tweet ng former journalist: “People against Kris are just fucking envious of her wealth, her looks, her work ethic—she never stops working, her success and her pedigree. Period.”

Continue reading below ↓

Pinasalamatan naman ni Kris si Teddy Boy sa kanyang tweet: As always come what may, you have my back. Thank you but this time as DFA Secretary- no need Teddyboy. You gave me 40+ years of true friendship.”

Sa kabilang banda, nakakuha naman ng kakampi si Nicko sa katauhan ng aktres na si Gretchen Barretto at ng aktor na si Enchong Dee.

Continue reading below ↓

Nitong weekend ay nag-post si Gretchen ng mensahe sa Instagram bilang pagsuporta kay Nicko.

Nag-status din ang aktres ng mga mensaheng “stop bullying at “no to powertripping.”

Nag-like naman dito si Enchong.

STORIES WE ARE TRACKING

MESSAGES FOR KRIS

Kaugnay pa rin ng pinagdaraanan ngayon ni Kris, partikular na ang kanyang kalusugan, nagpahayag ng suporta ang ilang kapwa artista via social media.

Kabilang sa nagpaabot ng mensahe sina Angel Locsin, Kim Chiu, Sunshine Cruz, Angeline Quinto, Lorna Tolentino, Dimples Romana, Candy Pangilinan, at K Brosas.

Komento ni Angel, “Ate kayang-kaya mo yan marami ka nang kinaya, di ba??? Nandito lang kami, nagdarasal na bumuti na ang pakiramdam mo."

Continue reading below ↓

Nagpakita rin ng malasakit ang anak-anakan ni Kris na si Kim.

Continue reading below ↓

Narito pa ang ibang mensahe ng ilang celebrities para kay Kris:

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kris Aquino reveals her multiple health concerns amidst her legal battles against former KCAP managing director Nicko Falcis and his brother Atty. Jess Falcis.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results