Atty. Jess Falcis to Kris Aquino: "Don't mess with two gay brothers who have the truth on their side."

by Arniel C. Serato
Jan 9, 2019
<p>Atty. Jess Falcis (left) maintains that his eldest brother Nicko Falcis (center) is innocent of Kris Aquino's allegations: "We don't care about the PR, we don't care if people side with us, but we will fight for our truth and we will vindicate our name."</p>
PHOTO/S: Arniel Serato / Rachelle Siazon

#KrisAquinoVsNickoFalcis

Muling iginiit ni Atty. Jesus “Jess” Falcis na walang nagawang kasalanan ang kanyang kuyang si Nicko Falcis kay Kris Aquino.

Ito ay kaugnay ng akusasyon ni Kris na ninakawan siya ni Nicko gamit ang credit card ng Kris C. Aquino Productions (KCAP).

Sa presscon ni Atty. Jess ngayong Miyerkules ng tanghali, January 9, mariin niyang itinangging may naibulsang pera ang kanyang kapatid mula sa kumpanya ni Kris.

Ayon pa sa kanya, Certified Public Accountant (CPA) ang kanyang kuya kaya documented lahat ng mga ginastos nito mula sa credit card ng KCAP.

Kaugnay nito, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Jess kung applicable sa kalagayan ngayon ng nakatatandang kapatid ang sinasabing unwritten rule sa finance world: “Don’t mess with your accountant.”

Seryosong sagot nito, “Ako, I would not say naman na, ‘Don’t mess with your accountant.’

“Ako, 'Don’t mess with the truth. Don’t mess with two gay brothers who have the truth on their side. Don’t mess with two gay brothers who have the truth, we have the truth.'”

Continue reading below ↓

Diin pa ni Atty. Jess, “Kung wala ang katotohanan sa panig namin, e, di bumigay na kami...

"E, hindi pa kami lumuluhod, e.

"Bakit? May pinaghahawakan kaming katotohanan.”

Nahaharap si Nicko sa reklamong 44 counts of Qualified Theft at Violation of Republic Act No. 8484 na inihain ni Kris sa pitong lungsod.

FALCIS BROTHERS VS. KRIS AQUINO

Nadamay na rin si Atty. Jess sa sigalot na kinahaharap ng kanyang kuya.

Sa pagtatanggol niya sa kapatid, nakapagbahagi siya sa kanyang social media accounts ng posts na hindi nagustuhan ng actress/host/web star.

Dahil dito, sinampahan siya ni Kris ng reklamong nine counts of cyberlibel sa Department of Justice (DOJ).

Sa kanyang Counter-Affidavit na isinumite noong December 18, mariing idiniin ni Atty. Jess na isang public figure si Kris na maaaring punahin ng publiko.

Aniya, kung kaya ni Kris pumuna ng ibang tao, maaari rin itong punahin ng ibang tao, lalo pa't isa itong public figure.

Continue reading below ↓

Saad niya sa kanyang Counter-Affidavit, “She is, therefore, a public figure susceptible to fair comment.

“In my view, she is not even entitled to privacy because she publicly reports on her health and her love life…”

STORIES WE ARE TRACKING

Sa panayam niya ngayong araw, inihambing ni Atty. Jess ang sitwasyon nila ng kapatid na si Nicko sa mga lalaking naugnay at nagkaisyu noon kay Kris.

Saad niya, “Ako, hindi ako nagpapakaipokrito, di ba?

"Political analyst ako, ina-analyze ko yung iba, ina-analyze ko yung sitwasyon namin.

"Ang problema ng mga lalaki niya noon, straight sila.

“E, may konsepto tayo na men do not respond, or attack women. Magmumukha kang ungentleman.

“E, hindi kami straight, e, di ba?

"Di ko sinasabi na hindi kami gentlemen, hindi ko rin sinasabing barumbado kami, pero mukhang mas acceptable na kami ay makapagsalita.

“E, yung mga lalaki niya noon, like si Joey Marquez, pinayuhan na, ‘Huwag ka nang magsalita. Matatalo ka lang, sa PR.'

Continue reading below ↓

Ang dating Parañaque City mayor at comedian na si Joey Marquez, na noo'y ka-live in ni Kris, ay pinagbintangan noon ng aktres na may sexually-transmitted disease (STD) at nahawaan daw siya nito.

Pero diin ni Atty. Jess, “We don’t care about the PR, we don’t care if people side with us, but we will fight for our truth and we will vindicate our name.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Atty. Jess Falcis (left) maintains that his eldest brother Nicko Falcis (center) is innocent of Kris Aquino's allegations: "We don't care about the PR, we don't care if people side with us, but we will fight for our truth and we will vindicate our name."</p>
PHOTO/S: Arniel Serato / Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results