Angelica Panganiban unfollows Carlo Aquino on Instagram to appease netizens

by Arniel C. Serato
Jan 9, 2019
<p>Angelica Panganiban sarcastically apologizes to netizens who got offended over her posts about Carlo Aquino: "Sa lahat ng na offend ko. Sorry. Hindi ko alam na may issue pala kayo sakin. From now on, hindi na ko mag sasalita. Huling caption ko na po ito."</p>
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram

In-unfollow ni Angelica Panganiban, 32, sa Instagram ang ex-boyfriend na si Carlo Aquino, 33.

Pero naka-follow pa rin naman sa Playhouse actress ang aktor.

Continue reading below ↓

Kasunod ito ng komento ng isang netizen na palagi raw nagpu-post si Angelica ng sweet na larawan nila ng ex-boyfriend, ngunit hindi naman daw nagpu-post si Carlo.

Sabi ng IG user na may handle name na @bashangggg1111, “Palagi kang ganyan. Aware kba sa impact na nagagawa niyan kay Carlo?

“Palagi siya ang dehado kakaganyan mo.

“Sarili mo ngang fans binabash at hinuhusgahan siya ng walang ebidensiya.

“Grow up angge. Pagusapan niyo yan ni carlo.

“Huwag mong idaan sa social media lahat. Minsan nakakduda rin if gaano ka kagenuine mag care for Carlo.

“Kung ano kinadaldal mo kinatahimik niya.

“Jusko parang kayo 13 14 ulit. Hoy 33 34 na kayo.

"Act your age.”

Ibinahagi ni Angelica ang screenshot ng komentong ito ng netizen sa kanyang Instagram ngayong hapon, January 9.

Humingi ng paumanhin si Angelica sa pagsi-share niya ng sweet photos nila ni Carlo sa kanyang caption.

Mula raw ngayon, lalayuan na niya ang aktor.

Continue reading below ↓

Sabi ng Kapamilya actress, “Wow. Sa lahat ng na offend ko. Sorry. Hindi ko alam na may issue pala kayo sakin.

"From now on, hindi na ko mag sasalita. Huling caption ko na po ito.

"Kasi nakakahiya sa inyong mga nasaktan ko. Tama ka. Madaldal ako.

"So tatahimik na ko. I will act my age po. Sorry po.

"Hindi na kayo makakarinig ng kahit na ano sakin regarding carlo.

"Lalayuan ko na din para hindi na lang ako mahusgahan at hindi na po siya mahirapan sa sinasabi niyong 'impact' na ginagawa ko para madehado po siya.

"Happy po? Thank you. Sana po maintindihan niyo at mapatawad niyo ko.

"Pagod na din ako sa kanegahan at pakekelam ninyo.

"Nasaktan na din ako. So tama na."

Sa isa pang post, sinabi niya sa nasabing netizen na, "Don’t love yourself. Never. Okay na po? @bashangggg11"

View this post on Instagram

Don’t love yourself. Never. Okay na po? @bashangggg11

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Angelica Panganiban sarcastically apologizes to netizens who got offended over her posts about Carlo Aquino: "Sa lahat ng na offend ko. Sorry. Hindi ko alam na may issue pala kayo sakin. From now on, hindi na ko mag sasalita. Huling caption ko na po ito."</p>
PHOTO/S: Courtesy: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results