Alessandra de Rossi laments a celebrity's life: "Wala kaming pahinga."

by Bernie V. Franco
Jan 10, 2019
<p>Actress Alessandra de Rossi admits she cannot leave showbiz because she has no skills for the world outside showbiz: "So, nung mga times na gusto kong mag-quit, anong gagawin ko, ni wala akong natapos?"</p>
PHOTO/S: Noel Orsal

“Ayoko nga ng sikat. Ang hirap-hirap kaya ng sikat,” diin ni Alessandra de Rossi, 34, nang mapag-usapan ang tungkol sa kasikatan.

Naranasan daw ito ni Alessandra noong 2017 nang mag-blockbuster hit ang pelikula niyang Kita Kita, kasama si Empoy Marquez.

“Kahit saan ka pumunta, lahat ng tao may cellphone, gusto tig-iisang selfie. One hundred sila 'tapos mag-isa ka lang.

“Ang hirap kayang maging sikat, ba’t ko gusto yun?” paliwanag ng aktres sa ilang miyembro ng press sa contract signing niya sa Viva Entertainment nitong Miyerkules, January 9.

Dugtong niya, “Hindi naiintindihan ng mga tao na ang mga artista, hindi natatapos ang trabaho kahit magbabakasyon kami.”

Kahit daw saan magpunta ang artista, may mga taong hihingi ng kanilang oras.

“Sa airport pa lang nagtatrabaho pa rin kami; sa eroplano nagtatrabaho pa rin kami; pagbaba mo sa beach, magtatrabaho ka pa rin.

“Hindi naiintindihan yun ng mga tao, and kaming mga artista, ganun talaga ang life, wala rin kaming magagawa.

Continue reading below ↓

“Wala kaming pahinga, wala kaming moment.

“Kailangan naming ngumiti, lahat—security guard, hardinero ng kapitbahay, lahat.

“So, yun ang showbiz.

“Kasi nga, kilala ka ng lahat. Kasi nga magmamarka ka sa buhay nila.

“So, minsan pag masama ang loob ko, ‘Bahay na lang ako, guys, kasi baka biglang gusto kong sumimangot.”

“WALA AKONG IBANG ALAM GAWIN.”

Higit dalawang dekada na sa showbiz si Alessandra at sa kabila ng pag-aming gusto na niyang iwan ito, nasa showbiz pa rin siya.

“Maraming beses. May mga ganyan akong moments, ‘Ayoko na, ayoko na, ayoko na…’

“Wala akong ibang alam [gawin].

“Nagkamali ako. Dapat sinunod ko yung nanay ko na tapusin yung pag-aaral ko.

“Ayoko, e. Hindi nga ako mahilig mag-aral. Yung, ‘Ayoko na, mag-aartista na nga lang ako.’”

Inuudyok daw siya ng ina na makatapos, pero naging matigas ang kanyang ulo.

Continue reading below ↓

“So, nung mga times na gusto kong mag-quit, anong gagawin ko, ni wala akong natapos?

“Wala akong ibang alam. Dito lang ako lumaki sa mundong ‘to.

“So, siguro kaya nag-stem sa writing, directing, producing, kasi ito lang talaga yung alam ko, wala nang iba.”

FRUSTRATING TO BE DIFFERENT

Aminado si Alessandra na nakaka-frustrate magkaroon ng ibang pananaw sa showbiz.

Vocal siya sa mga interviews sa pagsasabing hindi niya kaya ang pagpapaka-"showbiz."

Pero aniya, “But that’s life, e.

“Hindi naman tayo pare-parehong mga tao.

“Hindi tayo pare-pareho ng pinagdaanan. Iba yung pinagdaanan ko. Iba yung pinagdaanan niyo, so imposibleng magkapareho tayo ng opinion.

“And dapat mag-meet lagi sa gitna. Walang judgment, walang kahit ano, basta hindi masamang tao.”

Samantala, pumirma na ng management contract si Alessandra sa Viva Entertainment.

“Nagtayo ako ng company under Viva Corporation. Ang pangalan AWOOO o A World Of Our Own. Ang name galing kay Jules Ledesma, my brother-in-law,” ani Alessandra.

Continue reading below ↓

Si Jules ang asawa ni Assunta de Rossi, nakatatandang kapatid ni Alessandra.

Ang company ni Assunta ay magpo-produce din ng mga pelikula.

Dugtong ni Alessandra sa partnership with Viva, “It’s a corporation. Nagpa-manage na rin ako sa Viva para lahat ng projects, lahat na ng ideas ko, nandito na.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Actress Alessandra de Rossi admits she cannot leave showbiz because she has no skills for the world outside showbiz: "So, nung mga times na gusto kong mag-quit, anong gagawin ko, ni wala akong natapos?"</p>
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results