Alden Richards answers the question 'What went wrong with AlDub?'

by Rose Garcia
Jan 12, 2019
Alden Richards says he and Maine Mendoza are "mas close," but they don't talk about "personal stuff."
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram

Naa-appreciate at naiintindihan raw ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang mga tagahanga nila ni Maine Mendoza na nandoon pa rin ang pag-aasam na solid pa rin silang dalawa.

Ayon kay Alden, "Actually kaming dalawa po ni Maine, mas close po kaming dalawa, mas open po kami for each other. Nakakatuwa po kasi ang mga fans na talagang rooting for us pa rin.

"They’re showing their support regardless po kung magkaiba man kami ng tinatahak na career as of the moment."

Pero may ilang tila nadismaya dahil hindi siya binanggit ni Maine noong nag-post ito sa Instagram ng mga dapat niyang ipagpasalamat sa taong 2018.

Continue reading below ↓

Nakangiting sabi ni Alden, “Okay lang po yun. Kung bibigyan po natin ng malisya ang maliliit na bagay, palagi po nating mahahanapan ng butas yun, e.

"Ako po, ang dapat na lang nating tingnan, yung magandang nangyari. Yung magandang epekto ng mga ganap po sa buhay namin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden sa thanksgiving lunch niya sa para entertainment press noong January 6, sa Concha’s Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

"PERSONAL STUFF"

Kasalukuyang nali-link si Maine kay Arjo Atayde, pero, ani Alden, hindi raw nila napag-uusapan ang mga ganitong bagay.

"Kami naman pong dalawa, as long as walang maunang magkuwento, hindi po namin tinatanong.

"So with regards po sa ibang personal stuff naming dalawa, siyempre being a gentleman naman po, hindi naman po ako manghihimasok.

"If she’s willing to share, I’m willing to listen naman po."

Nakikita raw niyang pareho silang nag-mature ni Maine mula nang makilala sila bilang AlDub noong July 2015.

Continue reading below ↓

Saad ng Kapuso actor, "Siguro po, parang mas naging mature po kaming dalawa. Siya po, being here for almost four years. Ako po, being here for almost eight years, almost four years na rin po ang Aldub.

"Siguro, we matured in a lot of ways na po.

"Nakatulong din po ang paghihiwalay namin pansamantala. Ang dami po naming natutunan as individual."

WHAT WENT WRONG?

Maganda ang naging simula ng AlDub. Naging phenomenal ang dalawa, at marami ang nag-hope na magiging sila. Ano ang naging dahilan at hindi sila nagkatuluyan? What went wrong?

Ang sagot ni Alden: "I guess, nothing went wrong po. I guess, it’s a matter of choices.

"I’ll just leave it there na lang po, sa choices."

Kung tutuusin, pareho silang nagsasabi ni Maine na masaya sila. Sa parte niya, may isang Instagram post siya kung saan ang caption niya ay he is at "his happiest."

Continue reading below ↓

Pero nangyari ito kung kailan hindi sila gaanong nagkasama ni Maine sa mga projects?

"Hindi ko po alam, siguro po kasi, like sa akin, ang kaligayahan po, iyan yung hindi ginagamitan ng isip, it’s a feeling. Iyan ang pakiramdam na hindi mo alam kung saan galing.

"Gusto mo lang na malaman ng lahat na masaya ka.

"Sa ngayon po, mas relaxed at mas masaya kaming dalawa."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards says he and Maine Mendoza are "mas close," but they don't talk about "personal stuff."
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results