Manny Castaneda, IC Mendoza, Joey Reyes react to Kris Aquino-Nicko Falcis audio recording

by Arniel C. Serato
Jan 15, 2019
<p>Directors Manny Castañeda and Joey Reyes (second and third from left, respectively) and TV-movie personality IC Mendoza (rightmost) react to Kris Aquino's admission that she is the woman talking to Nicko Falcis in the recorded phone call.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook of Manny Castaneda, Joey Reyes, I. C. Mendoza

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang audio recording ng pagbabanta ng isang babae kay Nicko Falcis.

Si Nicko ay ang dating finance manager ng Potato Corner + Nacho Bimby, at dati ring endorsement closer, talent agent, at project director ng digital company ni Kris na Kris C. Aquino Productions o KCAP.

Sinampahan siya ni Kris ng reklamong 44 counts of qualified theft sa pitong lungsod ng Metro Manila dahil umano sa unauthorized use ni Nicko ng company credit card na umabot ng halos PHP1.3 million.

Humihingi si Kris ng lagpas sa PHP30 million danyos.

Sa nag-viral kahapon, January 14, na recorded phone call ni Nicko at ng babae, maririnig dito ang pagbabanta ng huli sa buhay ni Nicko.

Bahagi ng viral recorded phone call ay ang sumusunod:

Nicko: "Madam… hello..."

Babae: "You fucking asshole Nicko, okay. NO!"

Nicko: "Madam…"

Babae: "HUWAG ka nang bumalik sa Pilipinas, nadinig mo, NO, huwag ka, PAPAPATAY KA NG PAMILYA KO, you know what, you know what’s wrong with me??? MAY LUPUS AKO, NICKO!!!" (Shouting)

Continue reading below ↓

Nicko: Oh My God…Madam… Madam… (Crying)

Babae: "That’s why… GUSTO MONG BUMALIK SA PILIPINAS? DARE TO STEP IN THIS COUNTRY, AND YOU WILL BE DEAD." (Shouting)."

Sa bandang huli ng 1:33 minutong recording, maririnig ang babae: “I am telling you this, step foot in the Philippines and you will be thrown into jail, Nicko.

“You stole me from my sons. No. Nicko, alam mo, I’m going to Singapore, kapag nakuha ko yung diagnosis, you know me."

Sinabi pa ng babae: “I will tell the Philippines what is wrong with me, and the entire Philippines trusts me.”

Ngayong araw ng Martes, January 15, inamin ni Kris na siya nga ang babaeng nasa audio recording.

Ngunit, iginiit nito, ngayong umaga rin ng January 15, na pangba-bluff lang niya ito kay Nicko.

STORIES WE ARE TRACKING

"THE QUEEN IS PANICKING”

Maraming netizens ang naging curious sa nasabing viral recording.

Samu't saring Facebook posts ang naglalaman ng tungkol sa pagbabanta ni Kris kay Nicko.

Continue reading below ↓

Ang ilan namang personalities ay nagbahagi rin ng opinyon tungkol sa isyu.

Sa Facebook post ng direktor/komedyante/manunulat na si Manny Castañeda ngayong araw, sinabi nitong nakahanap ng katapat si Kris Aquino.

Narito ang buong post ni Manny (published as is):

"Finally, nakakita si Kris ng kanyang katapat, somebody who's willing to put up a fight irregardless of her stature and influence. David and Goliath?

"The audio recording is definitely damaging. Falcis is able to hit Kris hard (really hard) with his latest assault.

"As a result, it seems public opinion moving against Kris because If there's anything Filipinos hate, it's arrogance… and the audio recording was so full of it.

"The 'Queen' is panicking for sure! I am just wondering... anong sakit naman kaya ngayong ang ipapalabas ni Kris to gain public symphaty? That is, kung may maniniwala pa sa kanya."

“DEATH THREAT IS A DEATH THREAT”

Sa post naman ni IC sa Facebook, binanggit muna nito ang isang linyang nabanggit sa audio recording nina Kris at Nicko: "Dare to step foot in this country and you will be dead."

Continue reading below ↓

Kasunod nito, sinabi niyang a “death threat is a death threat and should not be taken lightly.”

Narito ang buong post ni IC (published as is):

“Dare to step foot in this country and you will be dead” huwow ah!

"But seriously, Angry people drunk in power are scary.

"Nakakabahala ang taong may capacidad pala mag-papatay ng kapwa.

"Inadmissible in court or not, a death threat is a death threat and should not be taken lightly."

Continue reading below ↓

Nagkomento naman dito si Direk Joey Reyes ng: “Read: Game over.”

Sa kanyang sariling Facebook account, nag-post si Direk Joey ng ganitong mensahe: “Honesty. Credibility.Truth.
GAME OVER.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Directors Manny Castañeda and Joey Reyes (second and third from left, respectively) and TV-movie personality IC Mendoza (rightmost) react to Kris Aquino's admission that she is the woman talking to Nicko Falcis in the recorded phone call.</p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook of Manny Castaneda, Joey Reyes, I. C. Mendoza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results