Gretchen Barretto says Kris Aquino reaping what she sowed when family was in power

by Jojo Gabinete
Jan 19, 2019
<p>Gretchen Barretto on Kris Aquino: "When she was in power, ladies and gentlemen, isinawsaw niya ang kanyang fingers sa aking buhay many times over."</p>
PHOTO/S: @krisaquino / @juansarte on Instagram

Inaani lamang ni Kris Aquino ang itinanim nito noong nasa kapangyarihan ang Aquino family.

Ito ang paglalarawan ni Gretchen Barretto sa mga nangyayari ngayon kay Kris Aquino.

Sinabi ito ni Gretchen, 48, nang ipinagtanggol ang sarili laban sa akusasyong nakikisawsaw siya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Kris, 47.

Nangyari ito sa Instagram Live ni Gretchen, na naganap sa isang restawran ng Resorts World Manila, Biyernes ng gabi, January 18.

Mula nang lumabas ang isyu sa pagitan nina Kris at Nicko Falcis, 35, dalawang beses nang nag-post si Gretchen sa Instagram upang ihayag ang suporta kay Nicko.

Tinawag pa ni Gretchen na "bully" at power tripper" si Kris.

Marami ang nagtaka sa dahilan ng hayagang pagsuporta ni Gretchen kay Nicko at pagkontra nito kay Kris.

Nang magpasalamat naman online si Nicko kay Gretchen, sinabi nitong natutuwa siya't ginawa ito ni Gretchen kahit hindi sila magkakilala.

Ang nakikita lang na koneksiyon kina Gretchen at Kris ay pareho silang artista at parehong bahagi ng maimpluwensiyang pamilya na Cojuangco.

Continue reading below ↓

Ang ina ni Kris, ang yumaong Pangulong Corazon "Cory" Cojuangco Aquino, ay pinsan ni Ramon Cojuangco, ang yumao na ring business mogul na ama ni Tonyboy Cojuangco, ang long-time partner ni Gretchen.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa kanyang IG Live kagabi, ipinaliwanag ni Gretchen ang pinanggagalingan ng kanyang galit kay Kris.

REVELATION OF TAX ISSUE

"Pasabog" ang rebelasyon ni Gretchen dahil may kinalaman ang mga pahayag nito sa tax problems ng kilalang businesswoman na si Alice Eduardo, 53.

Si Alice, ayon sa Wikipedia, ay ang "founder, president, and chief executive officer of Sta. Elena Construction and Development Corporation."

Ang Sta. Elena, ayon pa rin sa online dictionary, ay isang "AAA-rated general contractor specializing in foundation engineering, power plants, ports and harbors, and roads and bridges."

Si Alice ay common friend nina Gretchen at Kris.

May showbiz connection din si Alice dahil, bukod sa mga kaibigang mga artista, benefactor siya ng Walk of Fame sa Eastwood Libis, na project ng pumanaw na star-builder na si German Moreno.

May malaking naiambag naman si Kuya Germs, ang tawag kay German Moreno sa showbiz, sa careers nina Gretchen at Kris noong nagsisimula pa lang ang mga ito sa industriya.

Continue reading below ↓

Lumalabas sa pahayag ni Gretchen na patagong tinulungan diumano ni Kris si Alice upang maresolba ang mga problema ng huli sa taxes.

Pahayag ni Gretchen, "Kasi may sinabi si 150 Arte [Kris], di ba?

"Ang sabi niya sa akin, 'You know who she is'," na ang ibig sabihin ay hindi na dapat ipagtaka ang mga komento ni Gretchen dahil ganoon lang ang maaasahan sa huli.

Inalmahan ito ni Gretchen, "Ang sabi niya kasi, kaya daw ako nagagalit sa kanya is because kaibigan niya si Alice Eduardo.

"That’s not true. One of the many reasons kung bakit.

"Nagbabayad tayo ng tax, nagbabayad ka ng tax, nagbabayad rin ako. Hindi naman tayo nakikisawsaw.

"Ako, hindi nakikisawsaw sa buhay ng ibang tao kung hindi naman nila isinasawsaw ang buhay nila sa akin.

"Many times over, nagsawsaw po ang isang Kris Aquino sa buhay ko."

Patuloy ni Gretchen, "I’d like to answer that, pero let’s talk about the taxpayers' money.

Continue reading below ↓

"Hindi ako babanggit ng totoo hangga’t hindi niya aminin ang totoo.

"Ako naman kasi, I’ve always been transparent.

"I don’t have reason to lie. I don’t want to lie. It’s easier to say the truth."

Nilinaw ni Gretchen na wala silang alitan ni Alice, ngunit inako nitong sa kapatid ni Alice ay mayroon, dahil sa negosyo.

Aniya, "Ate Alice Eduardo has always been my friend. Wala kaming alitan ni Alice Eduardo.

"Sa kapatid niya, meron kami alitan, for businesses. I don’t want to disclose for now, unless i-disclose nila."

GRETCHEN ON KRIS: "MAS SAWSAWERA SIYA"

Tinatawag siyang "sawsawera" ng mga kakampi ni Kris, sabi ni Gretchen, pero di hamak daw ay "mas sawsawera" si Kris.

Pahayag ni Gretchen sa IG Live: "Ladies and gentlemen, ano ba ang sinasabi ng ating pinakamamahal na Drama Queen na si Kris Aquino?

Continue reading below ↓

"Ang sinasabi niya, e, nadamay siya. Hindi po siya nadamay, idinadamay niya ang sarili niya.

"Kung sinasabi niyo na sawsawera ako, mas sawsawera siya.

"Hindi po ako nagsasawsaw sa suka kung hindi niya isinawsaw ang kanyang buhay sa aking buhay.

"Ako po ay nananahimik, matagal na.

"When she was in power, ladies and gentlemen, isinawsaw niya ang kanyang fingers sa aking buhay many times over."

Pagkatapos nito ay isiniwalat ni Gretchen ang ginawa raw ni Kris na espesyal na pagtulong kay Alice nang magkaproblema ito sa taxes.

Lahad ni Gretchen, "Sinasabi niya, Alice Eduardo... okay, I hate to do this because Alice Eduardo means a lot to me also.

"Si Alice Eduardo po, many years ago, a few years ago, had trouble with her tax.

"I don’t want to say it, but I will say it anyway, because that’s me—ako po 'yan.

"Nagkaproblema po si Alice Eduardo sa tax niya po dito sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

"She was being charged lots of millions or billions of pesos po, at tinulungan po ni Kris Aquino.

"If I’m not mistaken po, para mapababa ang kanyang ibabayad kay Kim Henares o sa gobyerno po natin.

"Yun po ang nangyari."

Si Kim Henares ay nanungkulan bilang Bureau of Internal Revenue (BIR) commissioner noong panahong iyon, sa ilalim ng administrasyon ng kapatid ni Kris, ang dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Sa kasalukuyan, si Kim ang isa sa mga nasa kampo ni Kris sa qualified theft complaint nito laban kay Nicko.

GRETCHEN: "IN EXCHANGE OF BAGS AND CLOTHES AND SHOES"

Patuloy ni Gretchen, "So, I’d like to tell the truth, ako naman honest. Sila po ang pinag-uusapan natin.

"Ang sa akin kasi, I didn’t want to tell the truth, ginaganoon-ganoon ko lang, kasi there’s always a reason kung bakit tayo sumasawsaw.

"Ayokong magsawsaw, pero meron tayong pinanggagalingan.

Continue reading below ↓

"Whether you bash me or not, I really don’t care, but at this point, I will really tell the truth."

Sa puntong ito ay direktang pinatutsadahan ni Gretchen si Kris.

"Kris, kung talagang mahal mo ang Pilipino at ang buong Pilipinas, sana pinrotektahan mo ang mamamayang Pilipino because, at that time your brother Abnoy was in power, he was the President of the Philippines.

"E, di ba dapat kung kailangan magbayad si Alice Eduardo ng kanyang tax, na tayong mga Filipino people ang talagang—how do you say it in Tagalog?—we will reap the benefits.

"Pero alam mo, tinulungan kasi ni Kris Aquino at that time si Alice Eduardo sa kanyang tax, na bumaba ang ibinayad ni Alice Eduardo sa tax niya.

"Alam namin yun dahil ipinagkakalat din ni Alice Eduardo at ng kanyang mga kapatid na tinulungan ni Kris Aquino."

Mas malalim na pag-akusa pa ni Gretchen, ang kapalit daw ng pagtulong ni Kris kay Alice ay "pinagsa-shopping lang."

Continue reading below ↓

Mayroon daw isang "gay friend from L.A." na nagsa-shopping sa Amerika para sa mga regalong ipapadala kay Kris.

Ayon kay Gretchen, "Parang, he would buy things from the States and send it to Kris Aquino.

"Of course, I felt so bad because, you know, for whatever, yung mga pinagsa-shopping lang. Yun lang? Parang, 'Ha?!'

"She’s [Alice] supposed to pay a hefty amount, dun pumupunta.

"Pero one of the many reasons lang yun, mga kaibigan."

Giit pa ni Gretchen: "No, I'm not gonna stop. May mga nagsasabing stop, I'm not gonna stop.

"I am a Filipino. We all pay taxes, we all work very hard.

"So, my point is, pinrotektahan ni Kris Aquino [si Alice] when she said, 'Hello, Ate Alice.'

"Whatever, Girl, you love her so much, in exchange of bags and clothes and shoes—and that’s so not fair."

Sa huling bahagi ng kanyang IG Live ay nag-iwan ng mensahe si Gretchen para kay Kris:

Continue reading below ↓

"I hate to loathe [you when] you're suffering right now, because we don’t like that. We don’t like that.

"We don’t loathe [somebody] when somebody is suffering because that is karma.

"But, right now, that is what's happening.

"You know what you do, what you did out in this universe, you will reap...

"Kung ano po ang nangyayari ngayon, I mean lahat naman tayo may pag-iisip, pag-isipan niyo po whatever is happening to us right now."

ED'S NOTE: Bukas ang PEP.ph sa panig ng mga nabanggit sa artikulong ito. Sa magkahiwalay na mensahe, humingi na ang PEP.ph ng pahayag mula sa panig ni Kris, sa pamamagitan nina Atty. Ricky dela Cruz at Alvin Gagui, abugado at chief of staff ni Kris respectively.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Gretchen Barretto on Kris Aquino: "When she was in power, ladies and gentlemen, isinawsaw niya ang kanyang fingers sa aking buhay many times over."</p>
PHOTO/S: @krisaquino / @juansarte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results