Ai-Ai delas Alas, Luis Manzano, Karen Davila post tributes to Henry Sy Sr.

by Bernie V. Franco
Jan 19, 2019
<p>Luis Manzano (far left), Ai-Ai delas Alas (2nd from left), and Karen Davila (far right) are some of the celebrities and personalities who took to social media to express their sympathies and pay tribute to business magnate Henry Sy Sr. (2nd from right). </p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram / Facebook

Ilang artista at kilalang personalidad ang nagpahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni Henry Sy Sr., ang may-ari ng SM Group.

Pumanaw ang business magnate ngayong January 19, Sabado ng umaga, sa edad na 94.

Sa pamamagitan ng social media, nagpahayag ng tribute at pakikiramay ang mga artista at personalidad gaya nina Ai-Ai delas Alas, Luis Manzano, Gretchen Ho, David Licauco, at Karen Davila.

Isang mensahe ng pasasalamat ang ipinost ni Ai-Ai, 54, kay Sy sa pamamagitan ng Instagram.

Ayon sa Kapuso actress, dahil sa kilalang shopping mall chain na pagmamay-ari ni Sy, maraming tao ang natulungan at nagkaroon ng kabuhayan.

“MARAMING SALAMAT PO SIR HENRY SY” simula ni Ai Ai.

“Salamat po at may SM .. dahil sa sm maraming pilipino ang may trabaho ---maraming schools na napatayo , maraming mahirap na studyante na napag aral .”

Inalala pa ni Ai-Ai, noong hindi pa siya sikat, madalas siyang pumunta sa isa sa malls noon sa Quezon City na pagmamay-ari ni Sy.

Continue reading below ↓

“At higit sa lahat napasaya nya ako kasi noong araw pag malungkot ako pupunta lang ako SM kahit wala akong pera masaya , malamig , window shopping tapos na ang problema uuwi ka ng masaya .. at ngayun po pala manager na ang pamangkin ko sa SM --para saken sir dapat kayo ang may REBULTO at isang hero ..RIP sir..,” post nito.

View this post on Instagram

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

Tweet naman ng 27-anyos na ABS-CBN host na si Gretchen Ho, naging magandang ehemplo ang negosyante para makamit ang tagumpay.

“Remembering Henry Sy’s life.

“Thank you for being a gleaming example of success through hard work, resourcefulness, consistency, determination & strong family values. Thank you for all the athletes & scholars you’ve helped.

“The whole Chinese-Filipino community mourns today,” ani Gretchen.

Continue reading below ↓

Tweet naman ng ABS-CBN News anchor na si Karen Davila, 48, “Henry Sy. Icon in business. Rest In Peace. Passing of an era.”

Nag-tweet din sina ang Kapamilya host na si Luis Manzano, 38, at Kapuso actor na si David Licauco, 23, ng kanilang pakikiramay sa negosyante.

Narito ang mga tweet nila.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

THE STORY OF HENRY SY SR.

Mula sa Xiamen, China, nagtungo ang pamilya ni Sy sa Pilipinas bago mag-World War II.

Nagsimula ang kanilang pamilya sa Quiapo, kung saan nagtayo ng sari-sari store ang kanyang ama.

Subalit nasira ang tindahang ito noong panahon ng digmaan.

Nagdesisyong bumalik sa China ang ama ni Sy, habang ang batang Sy ay nagdesisyong maiwan sa Pilipinas na ang tanging pera lamang ay 10 sentimo.

Nagpursiging magtrabaho si Sy sa umaga at gabi habang nag-aaral sa Far Eastern University.

Nagtapos siya ng kursong Commercial Studies.

Pinasok niya ang pagbebenta ng sapatos, na naging daan upang itayo niya ang Shoemart noong 1958, na ngayon ay mas kilala sa tawag na SM.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Luis Manzano (far left), Ai-Ai delas Alas (2nd from left), and Karen Davila (far right) are some of the celebrities and personalities who took to social media to express their sympathies and pay tribute to business magnate Henry Sy Sr. (2nd from right). </p>
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results