Ruru Madrid denies he and Bianca Umali are in a relationship: "Hindi pa po talaga."

by Glenn Regondola
Jan 22, 2019
<p>Despite numerous sightings of him and fellow Kapuso artist Bianca Umali, Ruru Madrid says his focus right now is his career. "Sa akin kasi, priority ko talaga yung trabaho, yung craft ko, yung career ko." </p>
PHOTO/S: Glenn Regondola / Instagram

Matigas ang pagtanggi ni Ruru Madrid, 21, na may relasyon sila ni Bianca Umali, 18, sa kabila ng mga balitang kumakalat ukol sa kanila.

Pahayag ng Kapuso actor, “Well, ngayon kasi, hindi na kami nakakapagkita nang madalas.

“Sa SPS [Sunday PinaSaya], nagkikita kami every Sunday, or Saturdays sa rehearsals, siguro dahil na rin sa isyu na kumakalat na lagi kaming nakikita sa labas.

“Siyempre, may shows kami na magkaiba rin, so... pero may group chat namin kami. Nakakapag-usap kaming lahat.

“Yun, hindi pa naman....”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa taping ng upcoming show nito na TODA One I Love sa Mexico, Pampanga, noong Biyernes, January 18.

Sa maraming pagkakataon ay marami ang nagpapatunay na nakitang magkasama ang dalawa.

Ilan sa sightings kina Ruru at Bianca ay sa Siargao, sa food park, at maging sa Japan, kaya hindi matigil-tigil ang isyu kung sila na ba talaga.

Continue reading below ↓

Sa puntong ito, nilinaw ni Ruru ang estado ng relasyon nila ng Kapuso young actress.

Aniya, “Siguro ang masasabi ko lang ay magkaibigan lang po kaming dalawa.

“Marami nga po ang nagsasabi na kami, pero hindi po ganun, e.

"Siguro ngayon po, mas maganda na muna yung magkaibigan, and busy kaming pareho, dahil may ginagawa kaming magkaibang show."

STORIES WE ARE TRACKING

CAREER OVER LOVE LIFE?

Si Ruru ba ang tipo ng lalaki na para sa career ay kayang isakripisyo ang love life?

Tugon niya, “Sa akin kasi, priority ko talaga yung trabaho, yung craft ko, yung career ko.

“That’s really my priority.

“About naman sa love life, hindi mo naman kayang pigilan ‘yan, e.

"Basta kaya mo pa ring panindigan kung ano ang priority mo—ang career mo.”

Ibig bang sabihin nito ay hindi pa si Bianca ang kanyang "The One" lalo na nga’t itinanggi niya ang kanilang relasyon at may iba siyang priority over love life?

Continue reading below ↓

Paglilinaw ni Ruru, “Wala pa naman pong ganun, wala pa. Wala pang ganung nangyayari.

"Pero pag naman dumating ‘yang araw na ‘yan, hindi naman ako mag-aatubili na sabihin ito sa mga tao.”

Baka raw dahil sila ni Bianca ang mas madalas mamataan ng tao kaysa sa perennial screen partner ng dalaga na si Miguel Tanfelix, kaya nagkakaroon ng ganung haka-haka.

Ani Ruru, “Ang problema kasi, iniisip ng mga tao na kami dahil lagi nga kaming nakikitang magkasama o hindi niya kasama yung ka-love team niya.

“Yun nga ang naging problema, that’s why napagkakamalan na kaming dalawa, pero hindi pa po talaga.

“Close kami... close naman kami lahat.

“Actually, lahat naman po sa Sunday PinaSaya, e, close. Para kaming isang pamilya.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Despite numerous sightings of him and fellow Kapuso artist Bianca Umali, Ruru Madrid says his focus right now is his career. "Sa akin kasi, priority ko talaga yung trabaho, yung craft ko, yung career ko." </p>
PHOTO/S: Glenn Regondola / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results